Chapter 31 Joeryl's P. O. V Nagdaan ang ilang mga araw. Masasabi kong unti-unti ko nang makakamit ang mga pangarap ko dahil natanggap ako matapos ang interview. Ngayon ay narito kami ni Rence sa cafeteria at nag la-lunch. "Baka kapag sikat na model ka na e, makalimutan mo 'ko!" Inirapan ko si Rence. "As if namang makakalimutan kita?" "Malay mo, hindi natin masasabi," aniya at tinuon ang pansin sa pagkain niya. "Hindi kita makakalimutan, kahit kailan. Kahit maumpog pa ulo ko," sabi ko. "Subukan mo 'kong kalimutan! Baka isubsob kita sa damuhan," aniya. Tumawa naman ako at kinurot siya sa kamay niya. Bigla namang may mga estudyante ang lumapit sa akin. "Ate Joeryl? Kayo po ba ang gumagawa nito?" tanong ng isang estudyante na nasa lower g