Chapter 30 Joeryl's P. O. V Lumipas ang ilang linggo at sobrang busy ko. May pasok na kami, mabuti na lang at Monday, Wednesday, at Friday lang ang schedule ko. Tuwing Tuesday at Thursday, nagtatrabaho ako sa umaga at nag-aalaga sa gabi. "Pupunta ka ng gym, ate?" tanong ni Ela. Kinuha ko ang tumbler at tumango sa kaniya. "Magpaalam ka na sa kambal mo, anong oras ba ang uwi mo?" tanong ni Tita Caroline. Lumapit ako sa kambal na mahimbing na natutulog sa crib. "Dalawang oras lang po ako, uuwi rin agad," sabi ko. Hinalikan ko na sa noo ang kambal at saka nagpaalam na sa kanila. Iniisip ko pa na pag-uwi ko, gagawa ako ng orders sa kwintas, kaso may roon pa pala kaming research, hinihintay na lang naming ma approve 'yong research title. Sumak