Perrie. Mahigit dalawampung minuto rin ang naging biyahe namin ni Carlotta hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng isang medyo may kalakihang building. Ang katabi nito ay iba’t ibang fast foods. Alas siyete kami nakarating dito, ang sabi naman ni Carlotta ay mga bandang alas otso kami aalis para puntahan ang unang bar. Sa office lang daw magkikita-kita ang lahat dahil iisang sasakyan lang ang gagamitin namin. “Friend, tandaan mo ang sinabi ko, ah? ‘Wag mo na lang papansinin ang ibang mga kasama natin lalo na kapag sinusungitan ka…” Hindi pa kami nakakababa ng sasakyan ay muling nagbilin si Carlotta sa akin. Tumango naman ako. Na-orient na niya ako sa ibang mga bagay tungkol sa kung ano ang dadatnan namin sa opisina, pero kahit na ganoon ay kinakabahan pa rin ako. Lalo na noong s

