Perrie. “Oh, ang aga mo namang nagising!” Nasa kusina ako nang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Carlotta. Gulo-gulo pa halos ang buhok niya at halatang bagong gising. Nakasuot lang siya ng sando na mahaba at hindi na nag-abala pang magsuot ng shorts. Nakataas ang dalawang tuhod na umupo siya sa upuan na nasa dining table. Noong isang araw pa kami nandito sa Maynila at katulad noong inalok ni Carlotta ay sa condo niya muna kami tumutuloy ngayon. “Ikaw ang bakit maagang bumangon?” balik na tanong ko sa kanya. Alas tres ng madaling araw noong namalayan ko siyang umuwi kanina galing trabaho. Ang sabi naman ni Carlotta ay mga ganoong oras daw talaga ang uwi niya, maaga pa nga raw iyon kung tutuusin. Kung minsan daw ay halos umaga na siya nakakabalik dito sa condo at buong umaga ring tulo

