FIFTY: Trabaho

3056 Words

Perrie. “Kumalma ka, Perrie. Lakasan mo lang ang loob mo, pagdating natin sa ospital…” marahang pinisil ni Carlotta ang nanginginig na kamay ko na nakapatong sa aking hita. Tuliro ang isip ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kapatid ko. Noong marinig ko ang ibinalita ni Patrick ay para akong papanawan ng ulirat. Dinala raw sa pagamutang bayan si Pia, kasama niya ang nanay ko. Hindi ko masyadong maintindihan ang kuwento ni Patrick dahil pati siya ay tuliro na rin. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagpasya nang sumunod sa ospital kung saan nandoon ang kapatid ko. Pasalamat na lang ako na mayroon nang kotse si Carlotta kaya hindi ko na kailangang maghintay pa ng babiyaheng tricycle para makasunod agad sa ospital. Baka ako pa ang maunang mautas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD