Perrie. “Heto ang halo-halo. Magpalamig kayong dalawa habang nagkukuwentuhan.” Humahangos na pumasok ang nanay ko sa kabahayan na may dala-dalang dalawang baso na nakalagay pa sa plastik labo. Ipinatong niya iyon sa mesa na nasa harap namin ni Carlotta. Pagkauwi ko galing sa school ay pinasyalan niya ako rito sa aming bahay. Iisang barangay lang naman ang tinitirhan namin at isang kanto lang ang pagitan ng aming mga tinitirhan. Kaya pala siya nasa school kanina ay dahil inihatid niya ‘yong kapatid niya. Iyong isa ko nga palang estudyante noong Grade 1 na ngayon ay Grade 2 na ay bunso niyang kapatid. “Sandali at kukuha lang ako ng kutsara para makain—” Akmang tatalikod na ang aking ina para pumunta sa kusina nang mauna na akong tumayo at hawakan siya sa kamay. “‘Nay… ako na po ang

