Perrie. “Sa pagpapakilala sa sarili dapat tayong gumamit ng magagalang na pananalita tulad ng…” Sinadya kong bitinin ang sasabihin para hintayin ang sagot ng mga estudyante ko na inosenteng-inosente ang mga matang nakatingin sa akin. “‘Po’ at ‘opo’…” sabay-sabay naman na sagot nila na pinapalawig pa ang salita. Napapangiting tumango ako sa kanila. “Very good!” Pumalakpak pa ako para ipakita sa kanila ang kasiyahan sa nakuhang sagot. Kita ko naman ang tuwa sa kanilang mga mukha para sa simpleng papuri mula sa akin, na para sa kanila ay napakalaking bagay na. Sa inosenteng puso na mayroon sila, sabihan mo lang na magagaling at mababait sila ay tuwang-tuwa na. How I wish, I’m still gullible, pure, and guiltless like these kids. Kahit panandalian, gusto kong makalimutan ang lahat ng g

