Perrie. Sino ba siya? Bakit bigla na lang siyang sumusulpot galing sa kung saan? Totoo bang fiancée siya ni Luther? Paanong nangyari ‘yon? Kailan pa? Dapat ko ba siyang paniwalaan? Pero ano naman ang magiging dahilan niya para magsinungaling ang babaeng ‘to, hindi ba? Hindi naman kami magkakilala para sabihin niya ‘yon. Parang sasabog ang ulo ko sa dami ng mga tanong na sabay-sabay na pumapasok sa utak ko. Sa nakalipas na ilang minuto lang ay punong-puno na agad ito ng mga impormasyon na hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan? Bakit walang binabanggit si Luther sa akin tungkol sa kanya? Sa bagay, kahit isang detalye ay wala naman siyang nasabi tungkol sa buhay o pamilya niya. Pero, imposible ring magsisinungaling siya sa akin. Hindi naman siya ganoong klase ng lalaki na magpapak

