Perrie. “Heto na po ‘yong mga gulay, ‘Nay Tessie. Nahugasan ko na rin po ang mga ‘yan...” ani ko sa matanda habang inaabot ang mga gulay na ginayat ko. Alas singko pa lang ng umaga kinabukasan ay gising na ako pero hindi naman agad ako nakalabas ng kwarto dahil parang tuko na nakayakap si Luther sa akin. Ang plano ko ay tutulungan ko si Nanay Tessie sa paghahanda ng almusal namin kaya maaga akong gumising, pero ang lalaking ito ay hindi ako pinakawalan. Sa itsura ni Luther ay hindi mo aakalain na clingy ang isang ito. Mahilig siyang mangyakap at maglambing. Kapag magkatabi kami sa kama ay gustong-gusto niya ‘yong naka-spooning position. Kapag nararamdaman niya na nawawala ako sa pagkakayakap niya ay maglalaan talaga siya ng oras para ikulong ako sa kanyang mga bisig. Well, I am not c

