FORTY-FIVE: Last Time

4493 Words

Perrie. “‘Nay n-naman…” Para akong matutumba sa kinatatayuan ko. Kung hindi pa ako nakahawak sa mga pinagpatong-patong na monoblock chairs na nasa aking gilid ay baka napaupo na ako sa malamig na semento. Pati ito ay nailabas na dahil mayroong mas maganda at mas matibay na upuang ipinalit. Nanghihina ako na parang gusto kong umiyak sa harap ng aking ina. Hindi ko maapuhap ang tamang mga sasabihin. Biglang naubos ang lahat ng lakas ko noong marinig ang mga sinabi niya. “Anong ‘nay naman?” takang tanong naman niya sa akin. Nag-uumpisa nang mangunot ang kanyang noo. Huminga ako ng malalim dahil parang sasabog ako anumang oras. Nanggagalaiti damdamin ko na gusto kong sumigaw, baka sakaling maintindihan niya agad kung ano ang gusto kong iparating. “Bakit n’yo po ginawa ‘yon?! Bakit po

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD