“Just eat, darling. There’s a lot of food.” Hindi ko na halos napansin na napatulala na pala ako sa mga pagkain na nasa aking harap kung hindi pa nagsalita si Mr. Emmett. Totoo rin naman ang sinabi niya na marami ngang nakahain sa hapag ngayon, sa sobrang dami ay hindi ko alam kung ano ang unang kukunin at titikman. Iba’t ibang klase ng lutong karne ang nasa hapag. Mayroong fried at roasted chicken, Filipino beef steak, at pork ribs na may sarsa. Mayroon ding grilled squid at sinigang na bangus na kitang-kita ang taba sa tiyan. Bukod pa sa mga ito ay mayroon ding vegetable salad na nakahain, pampatanggal umay kung sakali. The foods were overwhelming. Nakakalula sa dami tapos dalawa lang naman kami ni Mr. Emmett na nandito sa dining area. Bukod sa pagkain ay kanina pa rin akong sumusul

