“May picture po ba kayo r’yan ng apo n’yo, Sir? Para po sakaling may idea ako kung ano ang itsura niya…” Sa Tagaytay pa kasi ang bahay ni Mr. Emmett kaya medyo matagal ang naging biyahe namin. Ayon kasi sa matanda ay mas gusto niya ro’n kumpara sa Maynila dahil hindi hamak na mas tahimik doon kaysa siyudad. Hindi ko rin naman daw kailangang mag-alala kung sakaling dadalaw ako sa ospital dahil hatid at sundo naman daw ako ng driver. O, ‘di ba? Pabor na pabor sa akin ang mga kaganapan. Napakabait talaga ni Mr. Guerra! Sana lahat ng boss ay katulad niya! “Sad to say but I have no pictures of him, darling…” sagot naman agad ng matanda. “Wala po ba talaga? Baka naman po may natatago kayo pero hindi n’yo lang alam?” Pangungulit ko pa. Bakit ba kasi walang dalang picture itong si Mr. Emm

