“Baka naman po hindi ko magawa ‘yong pinagagawa ninyo sa akin?” Bakas ang pag-aalala sa aking boses. Sa nararamdaman ko ngayon ay parang papasanin ko ang mundo sa aking balikat. “Parang mas madali pa pong makabasag ng palayok habang naka-blindfold!” dugtong na sabi ko pa na umani ng malakas na halakhak mula kay Mr. Emmett. Umuugong sa loob ng sasakyan ang kanyang mga tawa. Bahagya pang lumingon sa amin ang nagulat na si Mr. Parker na siyang nasa front seat. Lulan kami ngayon ng mamahaling sasakyan ng matanda. Nandito kaming dalawa sa back seat at bukod sa butler na kasama namin ay mayroon pang isang tauhan si Mr. Emmett na siyang nagda-drive, na pasimpleng sumusulyap sa rearview mirror na tila nakikiusyoso rin sa pinag-uusapan namin. May mga lahi rin palang Marites itong mga tauhan ni

