"Pà, Devo andare..." Pa, I have to go... paalam ni Massimo sa ama, dalawang oras simula nang makarating sila sa safe house nito. "Dianne mi sta aspettando." Dianne is waiting for me. Itinigil ni Papà Alessandro ang panonood sa television, kung saan ay kasalukuyang ibinabalita ang pagtakas nito. May malaking patong na ito sa ulo at may order na rin na shoot to kill. Pero hindi man lang niya nakitaan ng pag-aalala ang kaniyang ama. Dahil mamaya maya ay babiyahe na ito papunta sa Mexico, sa isang isla na pag-aari din nito roon. At siguradong mahihirapan na lalo ang mga alagad ng batas na tugisin ito. "Non vieni con me?" You're not coming with me? Nagtatakang nilingon siya nito. "You're not safe here anymore. Kahit pa sabihin natin na hindi nila alam na kasabwat kita sa pagtakas. Posibleng

