Medyo nakaramdam na ng pagkainip si Dianne habang naghihintay kay Massimo. Hindi na siya mapakali sa kaiisip sa mga nangyayari. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nagpalakad-lakad sa sala habang pinag-iisipan kung tatawagan na ba ito o hindi. Binuksan na nga niya ang mga bintana at main door para lang makasagap siya ng sariwang hangin. Feeling kasi niya ay kakapusin siya ng hininga dahil sa sobrang gulo ng isip at nararamdaman niya. Tumigil sa pagpabalik-balik ang dalaga at tumingin sa cellphone niyang nakalapag sa center table. Ang lakas ng sigaw ng kaniyang isip na kailangan na niyang tawagan si Massimo para matigil na ang takot at pag-aalala niya. Tama! hiyaw ng kaniyang isip. Kapagkuwan ay lumapit sa center table si Dianne at dinampot ang cellphone. Binilisan na niya

