19

526 Words
3rd Person's POV; "Mama!"sigaw ng batang si Hellion bago sunggaban ng yakap ang ina na dahilan para mapaupo ito at mabitawan ang hawak na patalim na kinabangon ng batang si Hector. "Lion!papa!"sigaw ng batang si Hector bago tumakbo sa kakambal na bumagsak sa sahig kasama ang ina na nagsisigaw. "Hazel!"sigaw ng lalaki ng makitang hila hila ng babae ang batang si Lion na umiiyak. --- Habang nakasampa sa sofa ang batang si Hellion at kaharap ang platito na puno ng candy at chocolate matama nitong pinagmamasdan ang ina na nasa kusina. "Gusto kong yakapin ang mama ko."bulong ng batang si Hellion bago tumayo at tumakbo para sa ina. "Mama iloveyou."ani ni Hellion bago yakapin ang ina na----. "Ahhh Demonyo!lumayo ka sakin!Demonyo!"sigaw ng ina bago malakas na itulak ang anak na dahilan para bumagsak ito sa sahig. "Lumayo ka sakin anak ka ng demonyo!"sigaw ng babae na kinaiyak ng batang si Hellion. "Lion!"sigaw ng batang si Hector bago tulungang tumayo ang kapatid at tingnan ang inang naghihysterical na nakatingin sakanila. "M-Mama anak n-niyo po kami."bulong ng batang si Hellion habang inaalalayan siya ng kakambal. --- "Papa hindi ba kami love ni mama?"tanong ng batang si Hellion na kinatingin ng lalaki mula sa pagkakaupo sa sofa tinapik nito ang tabihan na agad namang sumampa ang batang si Hellion at sumiksik sa ama. "Mahal na mahal kayo ng mama mo Hellion madami lang siyang iniisip kaya ganun."sagot ng lalaki bago marahang haplusin ang buhok ng batang lalaki. "Alam mo ba anak...swerte ng babaeng mamahalin mo."ani ng lalaki na kinatingin ng batang si Hellion. "Wala ka mang talino sobrang laki naman ng puso mo."dagdag ng lalaki na kinakunot ng noo ng batang si Hellion dahil sa hindi naintindihan ang ama. "Taya!"sigaw ni Bimbo habang nakikipaglaro kina Kacey at Seven sa garden habang ang dalagang si Ara naman ay matamang tinitingnan ang binata na nakikipaglaro na parang walang nangyari kanikanina lang. "Sa nakikita ko ngayon mukhang tama si Rade."ani ng dalagang si Almira bago umupo sa kinauupuang bench ng dalagang si Ara na ngayon ay nakatingin sakanya. "Saan?"tanong ni Ara na kinatawa ng mahina ni Almira. "Kinahihiya niya daw ang kakambal niya."sagot ni Almira na kinangiti ng konti ni Ara. "Pero mukhang hindi naman yun ang nakikita ko sakanya...sobra siyang mag alala kay Hellion alam mo ba ng nawala yan hindi ko maitali yan sa bahay."kwento ni Almira habang nakatingin sa lalaki. "Yung tipong sisirain niya ang planong ilang taon nilang binuo para lang sa kakambal niya...kung hindi pa pumunta ang apat sa mga nakakabata niyang kapatid mag uutos yun na ilabas na sa media ang pagkawala ng kakambal."dagdag pa ng dalaga na kinatawa ni Ara. "Kinahihiya pa niya yang kapatid niya sa lagay na yan."komento ni Ara na kinailing ni Almira. "Hindi niya lang pinapahalata pero sobrang nag aalala siya kay Hellion kaya kung may magawa man siya o masabing hindi mo magustuhan ikaw na magpasensya."ani ni Almira na kinangiti ni Ara. "Alam ko yun nasampulan na ako nun nung nasa ospital ako."sagot ni ara na kinatawa ng dalaga. "Nasaan pala yung asawa mo?"tanong ni Ara. "Hindi ko alam may emergency daw."sagot ni Almira bago nag aalalang tiningnan ang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD