Ara Salvatorre's POV;
"Seven."ani ko ng makita ko itong mapatulala sa napakagandang babae na nasa tabi ng kakambal niya.
Kung tama ako ito yung anak ng kakambal ni Seven.
"M-Mama."bulong ni Seven ng lalapitan ito ng pamangkin niya bigla itong tumakbo pataas.
"Seven!"
"Hellion!"
Halos sabay na sigaw namin ng kakambal niya.
"Anong nangyari?"tanong ni ate Almira ng makitang takot na takot si Seven ng makita ang anak.
"Papa pangit ba ako?bakit tumakbo si Uncl---."
"No you're beautiful may hindi lang magandang experience ang uncle mo sa taong kamukha mo."putol ni Kuya Hector bago tumingin sakin.
"Puntahan natin si Hellion."ani ni Kuya Hector na kinatango ko bago tingnan sina ate Almira na marahang tumango sakin na parang sinabing okay lang.
"Ganun ba talaga ang epekto ng nangyari kay Seven kaya ganun na lang ang takot niya sa mama niyo?"tanong ko habang paakyat kami at papunta sa kwarto ni Seven.
"Hindi ko din alam Ara."sagot ni Kuya Hector bago buksan ang pinto.
"Seven."ani ko ng makita ko si Seven sa sulok ng kwarto habang yakap ang mga tuhod at nakasiksik ang ulo sa mga pagitan ng tuhod.
"Ara gulong gulo na ako."bulong ni Seven na kinatigil ko.
"Pwede ka namang mag open sakin."ani ko bago umupo sa harap niya at hawakan ang mga braso ni Seven na kinatingin niya.
"Natatakot ako."bulong niya na kinatigil ko.
"Saan?"tanong ko ulit na kinaiwas niya ng tingin.
"Tandang tanda ko pa nung mga bata pa kami ni Kuya."bulong niya na kinatingin ko kay kuya Hector na nasa pinto.
"Kitang kita ng dalawang mata ko papatayin niya si Kuya."ani ni Seven na kinatingin ko.
"Nakataas ang dalawang kamay habang may hawak na gunting...ang mga mata niya na punong puno ng galit at walang pagdadalawang isip na saksakin si Kuya."dagdag ni Seven habang nanginginig ang mga labing tiningnan ako.
"Nakakulong na ang mama mo diba?ano bang nangyayari sayo?"tanong ko bago marahang hinaplos ang buhok ni Seven.
"Hindi kita maintindihan Seven."bulong ko bago haplusin ang pisngi niya at titigan siya sa mata.
"Wala na si mama."ani ni Seven na kinatigil ko.
Kasunod ng pagbanggit nun ni Seven ang pagbagsak ng pinto at mga yabag papalayo mukhang lumabas si Kuya Hector.
Pero panong wala?