17

676 Words
3rd Person's POV; "Ara!bakit ba ayaw mo ako pansinin?"naiinis na tanong ni Seven na kinatingin ni Bimbo at Aling Lucia ng makitang parang asong bubuntot buntot si Seven sa dalaga. "Sinisigawan mo ako?"balik na tanong ng dalaga na kinatahimik ni Seven at parang tutang yumuko at ngumuso. "Bakit ba kasi ayaw mo ako pansinin?nakadamit naman ako tapos shinelas."ani ni Seven bago itaas ang hawak nitong shinelas na kinataas ng kilay ng dalaga. "Sinusuot ang shinelas hindi hinahawakan."mataray na sambit ng dalaga bago tumalikod at bumaba ng hagdan. "Ara wag ka ng magalit."ani ni Seven na kinaismid ni Ara. "Wag mo ako kausapin."naiinis na sambit ng dalaga bago pumasok ng kusina lalo na ng makita niya ang mga katulong nito na nakatitig sa gwapong binata na bubuntot buntot kay Ara. ---- "Seven."napatingin ang binata ng makita niya si Aling Lucia bago mabilis na binaba ang paa at inilayo ng hawak nitong cupcake na pinagpatong patong niya na kinatawa ng mahina ng matanda. "Ahm upo po kayo."nahihiyang sambit ni Seven bago yayaing umupo ng matanda sa kinauupuang sofa. "Nagmumukmok ka dito nasaan si Ara?"tanong ni Aling Lucia na kinasimangot ni Seven habang pinaglalaruan ang mga daliri niya. "Nasa Garden po nakikipaglaro kay Bimbo."sagot ni Seven na kinatingin ng matanda. "Bakit ayaw mo kausapin?magkagalit kayo."ani ni Aling Lucia na kimayuko ni Seven. "Wag ko daw siya kausapin."sagot ng binata na kinatawa ni Aling Lucia. "Masyado kang masunurin iho...mali yan."bulong ni Aling Lucia na kinatingin ni Seven. "Hindi paraan ang pagsunod para maipakita mo na mahalaga ang isang tao."dagdag ni Aling Lucia na kinagulo ng isip ni Seven. "Mas maganda pa din na ipakita mo ito kaysa iparamdam mo...hindi pwedeng laging nakabase ang desisyon sa taong nasa paligid mo Seven matuto kang kumilos na naayon sa gusto mo lalo na kung ikaw ang tama at siya ang mali."ani ni Aling Lucia na kinasimangot ni Seven. --- "Anong ginagawa mo dito?"tanong ng dalaga ng makita si Seven na nakasampa sa kama habang---. "Nagluto ka?"hindi makapaniwalang sambit ng dalaga ng makita ang mga pagkain sa tray pero---. "Seven!anong ginawa mo?puro sugat yang daliri mo!"sigaw ng dalaga bago lumapit sa binata at hinawakan ang mga kamay ng makitang puro band aid yun. "Hindi naman masakit Ara tiyaka yung kutsi---." "Peste ka talaga!"bulyaw ng dalaga na kinagulat ni Seven at agad napayuko ng makitang naiiyak na nakatingin si Ara sakanya. "Hindi mo kailangan saktan ang sarili mo para ipilit ang hindi mo kayang gawin."naiinis na sambit ng dalaga. "Pasensya na..wala akong kwenta."bulong ni Seven na kinatigil ng dalaga. "Wala akong kayang gawin na kahit ano...maliban sa sumunod at maging pabigat sa iba."parang may kung anong sumaksak kay Ara ng sabihin yun ni Seven. "H-Hindi yan ang ibig kong sabihin."ani ng dalaga na kinaangat ng tingin ni Seven bago ngumiti ng palapad katulad ng lagi niyang ginagawa. "Okay lang yun Ara."sagot ni Seven pero imbis umimik tahimik na napahikbi ang dalaga na kinataranta ni Seven. "Ara!ara sorry wag ka ng umiy---." "Gago ka!gago!gago!"mura ng dalaga bago sunod sunod na hampasin ang dibdib ng binata habang umiiyak. "Hindi naman kasi yun ang ibig kong sabihin*sob*pano pag naputol yang daliri mo tanga ka talaga!nag aalala ako hindi ka pabigat o walang kwenta naiinis ako kasi hindi ka marunong mag ingat!"bulyaw ng dalaga na kinatigil ni Seven. "Alam mo ba kung bakit naiinis ako ha?!*sob*nalaman ko kay Pierce ba iba ang nagpapaligo sayo at nagbibihis naiinis ako eh di nakita niya yung ano yun---." "Yung ano?"hindi alam ng binata kung ngingisi siya o magkukunot ng noo sa sinasabi ng dalaga. "Basta wala ka ng tinago!ilang taon kana tapos ipap---." "Naliligo ako mag isa at hindi ako nagpapabihis ng iba...inaayos na ng mga katulong yung mga damit ko sa kama pag naliligo ako hindi na kailangan baliktarin o ano. . kaya nga hindi din ako sanay magsuot ng pang itaas katulad ng tshirt kasi hindi ako marunong."sagot ni Seven na kinapunas ng pisngi ng dalaga. "Totoo?"tanong ni Ara na kinatango tango ni Seven. "Kain kana pinaghirapan ko yan."ani ni Seven bago iabot kay Ara yung tray na nasa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD