16

841 Words
3rd Person's POV; "Iwan mo na ako."ani ng dalaga na kinatigil ni Seven. Walang umimik o nagsalita nanatili lang na nakatingin sa mata ng isa't isa ang dalawa hanggang sa---. "Patawarin mo ako."ani ni Seven na kinagulat ng dalaga bago yumuko at ilapit ang ulo kay Ara. "Hampasin mo na lang ako saktan wag mo lang ako iwan."sagot ni Seven na kinalaki ng mata ng dalaga. "A-Ayaw mong iwan kita?"tanong ng dalaga na kinaangat ng tingin ni Seven. "Ayokong lumayo sayo."sagot ni Seven na kinangiti ng dalaga kalauna'y niyakap ng mahigpit ni Ara si Seven. "Sa unang pagkakataon nalaman ko din ang gusto mo."ani ng dalaga na kinaangat ng tingin ni Seven ng humiwalay ng yakap ang dalaga. "Nasabi sakin ng kakambal mo na may mindset kang sumunod sa mga taong pinahahalagahan mo dahil yun ang paraan mo na iparamdam na importante sila at sa pagsunod mo sila napapasaya."dagdag ng dalaga na kinayuko ni Seven. "Pero this time tumanggi ka naging selfish ka... na kinasaya ko ng sobra."bulong ng dalaga na kinatingin ulit ng binata. "Hindi ko maintindihan."sagot ni Seven ng haplusin ni Ara ng marahan ang buhok ni Seven. "Mas pinahahalagahan mo ako kaysa sa iniexpect ko...nagdesisyon kang ikeep ako kaysa pakawalan ako dahil yun ang gusto ko."sagot ni Ara na kinatigil ni Seven. --- "Hellion hindi ka pwede sumama kay Ara."ani ni Hector na kinatigil ni Hellion. "Ate sino si Hellion?"tanong ni Bimbo habang hinihila hila ang suot na damit ng dalaga. "Si Seven yun Bimbo."bulong ni Ara habang nakatingin kay Seven na hindi mabasa ang ekspresyon. "Pero kuya gusto ko sumama."kalmadong sambit ni Seven bago humarap sa kakambal na nakasandal sa kotse. Ilang araw ang lumipas nakalabas na ng ospital ang dalaga at ngayon ding araw ang uwi nito. "Lion hindi kayo kakasya sa kotse kaya samin ka sumama."gusot ang mukhang sambit ni Hector na kinakamot sa pisngi ni Pierce. "Eh di dun ako sa bubong---." "Seven."putol ng dalaga bago pandilatan si Seven na kinanguso nito. "Sabi ko nga sasakay na ako bakit ang bagal niyo."parang batang sambit ni Seven bago tumalikod at naunang sumakay ng kotse ni Hector na kinailing ni Pierce at Hector habang si Bimbo at Aling Lucia natatawang sumakay ng kotse kung saan si Pierce ang driver. "Kuya yung lupa na gusto ko naasikaso mo?"tanong ni Seven habang dinidilaan ang icing ng cupcake at nakasampa sa upuan ng back seat. "Pinapairenovate ko na nga."sagot ni Hector na kinangiti ng malapad ni Seven. "The best ka talaga kuya!"sigaw ni Seven na kinailing na lang ng binatang si Hector dahil sa inasal ng kakambal. Ara Salvatorre's POV; "Wow ito pala ang manila?"hanga hangang komento ni Bimbo habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. "Kuya pano pala kami nakarating ng Manila?nakaya kong bumayahe ng ganun kalayo kahit may tama ako?"sunod sunod na tanong ko sa kaibigan ng kakambal ni Seven. "Ano ka mutant para tumagal ng ganun?"natatawang sagot niya na kinakamot ko sa pisngi. "After nung nawalan ka ng malay inuwi ka nina Hellion at ginamot ni Sir Luther na nakakatandang kapatid nung kambal."sagot ni Kuya na kinakunot ng noo ko. "Nagamot pero bakit---." "Ayaw na sumama ni Hellion pabalik kaya tinakot ni Pinuno na pasasabugin niya ang bahay at buong bayan na nandun pag hindi umuwi si Hellion."putol ni kuya na kinatawa ko ng mahina. "Naniwala siya dun?"tanong ko na kinikibit balikat niya. "Hindi sa hindi kapanipaniwala pero kaya talagang gawin yun ni Rade."sagot niya na kinatigil ko. "Joke lang yun diba?"tanong ko na kinataas ng gilid ng labi ng kaibigan ni Pierce. "Depende."sagot na lang ni kuya Pierce na kinalunok ko. "Pft hahaha!tingnan mo namumutla ka Ms."tawa niya na dahilan para hampasin ko siya ng bag na dala ko. "Gago wag kang mantrip!."naiinis na sambit ko na mas kinatawa niya ng huminto kami dahil sa stop light. --- "Wow!"komento ko ng pumasok kami sa napakalaking gate at sa loob nun ang napakaraming halaman at malaking bahay o...mansyon. "Pent house ito ni Hellion pansamantala dito muna kayo habang inaasikaso namin yung sa probinsya niyo."ani ni kuya bago siya bumaba ng kotse at pagbuksan kami ng pinto. Nang makalabas ako dali daling lumapit sakin si Seven na kinatawa ko ng mahina dahil parang bata itong yumakap sakin sandali at tumakbo palapit sa kakambal na may hawak na kung ano at umakbay na parang nambubwisit nanaman. "Ang cute nila noh?"tanong ko kina inay na kinatawa ni nanay. "Wow...bigtime pala si Seven napakain ba talaga natin siya ng tuyo at inadobong talbos ng kamote?"nakangiwing tanong ni Bimbo na kinatawa ni Kuya Pierce. Nang makapasok kami sa pent house ni Seven sobrang linis at---. "Welcome young Master."nanlaki ang mata ko ng yumuko sila ng makita ang kambal. "Ang daming katulong at---." "Silang lahat ang nagsisilbing tagapag alaga ni Hellion na hinire ni Rade at Sir Luther."putol ni kuya Pierce na kinagusot ng mukha ko. "Dont tell me pati pagbibihis at pagpapaligo kay Seven sila pa din."ani ko na kinatingin ni Kuya Pierce. "Hindi ko alam...siguro hindi naman kasi marunong magbihis mag isa si Hellion."sagot ni Pierce na kinainis ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD