Ara Salvatorre's POV;
Nang magising ako nasa ospital na ako na hindi ko alam kung saan dahil walang ganitong kagarang ospital sa probinsyang pinanggalingan namin.
"Buti naman gising kana."ani ng isang boses na kinatingin ko.
Hindi ko maiwasang matulala ng may tatlong nag gagwapuhang lalaking bumungad sakin as in.
"S-Sino kayo?"tanong ko bago piliting bumangon na---.
"Ate wag kang gumalaw."napatingin ako ng makita ko si Bimbo sa tabi ko habang hawak ang balikat ko.
"B-Bimbo si Seven?"bulong ko ng makita kong wala si Seven magsasalita ang kapatid ko ng---.
"Kung si Hellion ang hinahanap mo pinadala ko na siya ng france."sagot ng lalaking may berdeng mga mata na kinatigil ko.
"Anong France?!hindi mo pwedeng ipadala dun si Seven nasan siya?!"sigaw ko kahit nanghihina pinilit kong bumangon hindi pwedeng mawala si Sev---.
"Sino ba kayo?at bakit hindi pwede?"walang emosyong tanong ulit ng lalaki bago tumayo sa kinauupuang sofa at tingnan ako.
Ang bigat ng presensya niya pero wala akong pake nilayo nila si Seven sakin.
"Diba dapat ako magtatanong nan?!"sigaw ko na agad naman akong pinigilan ni Bimbo ng susugurin ko siya.
Galit na galit ako lalo na kay Seven ganun na lang iiwan niya kami.
"Kapatid kami ni Hellion" sagot ng lalaking may kakaibang kulay ng mga mata na kinatigil ko.
K-Kapatid?k-kukuhanin na ba nila si Seven.
"H-Hindi pwedeng mawala si S-Seven nasaan si---"
"Pag nakarecover kana ibababyhe na namin kayo pabalik ng probinsya niyo."putol ng lalaking may mga berdeng mga mata na kinayukom ng kamao ko.
"H-Hindi ako uuwi hanggat hindi ko pa nakakausap s-si Seven."nanghihinang sambit ko ng makaramdam ako ng hilo dahil sa bigla kong pagbangon.
"Ano bang alam mo tungkol kay Seven?"sabat ng lalaking may hawak na itim na pusa na kinatigil ko.
"Masyado ng madaming pinagdaanan ang kakambal ko para dumagdag ka pa...minsan na din siyang tinaraydor ng kaisa isang babaeng pinagkakatiwalaan niya...at hindi ko na hahayaang maulit pa ulit yun."ani ng lalaking may berdeng mga mata bago humakbang palapit sa kama ko.
"May problema sa pag iisip si Hellion hindi siya yung tipong pang knight in shining armor niyong mga babae...si Hellion yung tipong kailangan mong alagaan at protektahan malaking responsibilid---."
"Nagawa ko ng sumalo ng bala para sa lalaking sinasabi mong hindi pang knight shining armor Mr. Green eye,tama ka dahil si Seven yung tipong dapat bantayan at alagaan...pero wala akong pakialam ang gusto ko lang ngayon makasama si Seven."putol ko sakanya bago mag angat ng tingin.
"Wala kang mahihita na kahit ano kay Hell---"
"Wala akong iniexpect na kahit ano sakanya."putol ko bago huminga ng malalim ng makaramdam ako ng kirot sa sugat ko sa likod.
"Hindi din ako umaasang mahalin niya ako ni hindi niya pa nga yata alam ang salita yun."dagdag ko bago matamang tiningnan ang mga kapatid ni Seven.
"Gusto ko lang siyang makasam---."
*blaag*
Napatingin kami sa pinto ng bumukas na lang yun bigla at---.
"Ara!"nanlaki ang mata ko ng tumakbo palapit sakin si Seven at sununggaban ako ng mahigpit na yakap.
"S-Seven."bulong ko ng sumubsob siya sa dibdib ko na parang takot na takot.
"Damn!"napatingin ako sa pinto ng may pumasok na limang lalaki na parang nakipagmarathon kay kamatayan.
"Sabi ko diba ikulong niyo si Hellion."naiinis na sambit ng lalaking may mga berdeng mga mata na kinakamot sa ulo ng limang lalaki.
"Bakit niyo ikukulong si Seven sabi niyo nasa Fra---."
"Tinakasan niya kami kanina dapat ang flight niya."putol ng lalaking may dalang lameta na itim.
"Lion nagusap na tayo nung isang araw diba?"malamig na sambit ng lalaking may mga berdeng mga mata.
"Pero ayokong umalis...kay Ara lang ako."mahinang sambit ni Seven na kinalaki ng mata ko kasabay nun ang paglambot ng ekspresyo ko ng marinig ko ang sinabi ni Seven.
Gusto niya din mag stay sa tabi ko pero--.
"Seven."