Chapter 50

1782 Words
Desiree Larrson I parted my lips to emphasize my lipstick. One clicked from the camera. Tumalikod ako at lumingon. I smiled seductively on the camera. "Gorgeous!" puri ng camera man saakin. Nag iba ulit ako ng pose. Habang nag-fla-flashed saakin ang camera doon nabubuo saakin ang planong pinag iisipan ko pa nung nakaraang linggo. Sometimes life is unfair isn't it? Kung kailan hindi ka handa 'saka may darating. At ngayong handa ka na 'saka wala namang dumarating. I'm talking about Evan Smith. Ginamit ni Drea ang posisyon nya para kuntsabahin ang secretary ni Evan Smith upang malaman namin kung ano ang schedule nito. For what? Para mag papansin sakanya at ipamukha sakanya kung ano ang sinayang nya. "Here's your water." abot ni Arvid ng bottled water saakin. Nag pasalamat naman ako 'saka naupo sa tabi nya. Katulad ko ay katatapos nya lang din mag shoot sa isang brand. "Nakapag paalam ka na kay Drea na uuwi ka ng Zambales bukas?" "Yup. Isang araw lang naman ako don kaya wala akong ibang schedule na masasagasaan." At wala din akong schedule kung paano kami mag kikita ni Evan Smith. I can't believe it na sobrang tipid ng schedules nya! Like, isang araw dalawang meeting lang sa mga investors nya then other day wala. At isa pa... walang social gatherings like party kami nalaman. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Masyado na ba nya binibigyan ng oras 'yong asawa nya? Sabagay. Hindi naman sila mag tatagal kung hindi nya mahal si Tania. "Mag ingat ka." sabi nito habang nakatingin saakin. Tumango ako 'saka kinuha ang bag nang makitang oras na para bumyahe na ako. Nag paalam muna ako kay Arvid bago tuluyan na umalis. Ilang oras lang naman ang byahe papunta ng Zambales kaya mag uumaga pa lang nang makarating ako dito. "Oh my god ang anak ko!" salubong saakin ni Mom pag kababa ko ng kotse. "M-mom ang aga nyo po nagising.." yumakap ako pabalik kay Mom nang mahigpit. Na-miss ko ang yakap ng isang ina. Mom cupped my face and stared at me with teary eye. "Uuwi ka eh. Kung kailangang hindi na kami matulog ng Dad mo—" "Mom naman eh!" nararamdaman ko ng nag iinit na ang mata ko. Liningon ko si Dad na nakangiti saakin. I shook my head and immediately ran to him. I hugged my Dad while sobbing. Hindi ko alam bakit bigla ako nag break down ngayon sa harap ng magulang ko. Siguro sa loob ng limang taon puro ako trabaho at malimit man sila bisitahin. "I miss you Dad.." I said as I embrace him tightly. "I miss you too Desiree my daughter. Mabuti umuwi ka na. Miss na miss ka na namin ng Mom mo." kahit ang boses ni Dad ay nag bago na din, ngayon ko napansin na tumatanda na talaga sila. Humiwalay ako kay Dad at nilingon si Mom na nag pupunas ng mukha. "D-desiree pwede bang dito ka na lang?" si Mom "Iwan mo na ang Maynila, dito ka na lang." Lumunok ako at nag iwas ng tingin kay Mom. I'm sorry Mom pero hindi ko pa kaya iwan ang Maynila hangga't hindi ko nababawi kung ano iyong atin. "I'm sorry Mom." yon lang ang sinabi ko at agad nila nakuha iyon. Bumuntong hininga ako bago tinitigan ang hindi pa natatapos naming mansion. I smiled, this is from my hard work. Buong araw nag kwentuhan kami nina Mom and Dad. Kinuwento nila kung ano ang mga ganap dito sa Zambales nung wala ako. Hindi ko naman mapigilan makaramdam nang kapayapaan habang pinag mamasdan ang pag lubog ng araw. Kapag nandito ako sa magulang ko, bumabalik ako sa dati. Bumabalik ang soft side ko. Soft side ko na hindi ko na dapat muli hukayin at buhayin pa. Mabilis ako nakauwi sa Maynila kinabukasan. Umuwi muna ako sa condo ko at nag palit ng damit para sa isang interview na dadaluan ko. At kapag minamalas ka nga naman, naabutan ako ng traffic. I open my phone and call my manager. She immediately answer it. [b***h—] "Traffic." [Tsk anong gusto mong gawin ko?] Sinilip ko ang dulo kung gumagalaw ba. Napapabuntong hininga na lang ako. "Sinabi ko lang mamaya ma-late na ako sa interview." [Oo talagang ma-l-late ka na! Diba sabi ko kasi sayo gamitin mo na lang 'yong private chopper ng pinsan mo?] tukoy nito kay Carla. I sighed "Okay bye." No choice ako kundi itabi na lang 'yong kotse ko sa gilid. Tatawagan ko na lang si Carla para ipadala 'yong private chopper nya. Nag takip ako ng ilong pag kalabas ko ng kotse. Mabuti na lang at suot ko ang sunglasses ko kaya hindi ako masyado pinag titinginan. Mabilis ako nag lakad papasok sa isang convenient store para mag palamig. Binati naman ako ng guard habang patuloy ang pag ti-tipa sa phone ko. Carla isn't answering my phone call! Naiinis na nag tungo ako sa mga drinks para kumuha ng mogu mogu. "Yes. I'll be there. Sabihin mo sakanila hintayin nila ako." a familiar baritone not so far from here. Nag taas ako ng tingin at tama nga ako nang makilala kung sino ito. What a coincidence! Hindi ito nakalagay sa schedule nya ah? And narinig kong may meeting sya? As I remembered wala din iyon sa schedule nya. Isa lang ang alam ko, hindi nakuha ni Drea ang loob ng secretary ni Evan Smith. Nag lakad ako papunta sa gawi nya. Taas nuo ko syang binunggo na naging dahilan nang pag kabitaw ko sa mogu mogu. "s**t!" he cursed then looked at me "I'm sorry miss. Are you okay?" Oh. Flirt pa din. Akala ko tuluyan na sya sumamba kay Tania. I hate to admit but he looks strikingly gorgeous in his tuxedo. Alagang Tania? Dahan dahan kong tinanggal ang sunglasses ko para makita nya kung sino 'yong nakabunggo nya. I saw how his expression turn into grim. I smirked secretly. "I'm sorry Mr. Smith. Akala ko kasi walang tao." He looked away "It's okay Ms. Larrson." Pumagitna ang katahimikan saamin bago nya kinuha ang isang coke in a can atsaka tumalikod. I crossed my arms on my chest as I watched him walk away from me. I felt a pang on my chest. No Desiree. Huminga ako nang malalim bago nag lakad papunta sa counter. Pinanuod ko sya habang nag mamadaling nag babayad. Tumabi naman ako sakanya. "Where are you going?" I asked. He frowned "Are you talking to me?" "May nakikita ka bang ibang tao?" sagot ko habang nililibot ang paligid na tanging kaming dalawa lang ang costumer. He stared at me for a sec before shook his head "A-ang laki ng pinag bago mo.." Napahinto ako at bigla nag seryoso "Mag uusap ba tayo tungkol sa past natin Mr. Smith?" Hindi sya sumagot kaya kinuha ko ang opurtunidad na iyon na lumapit sakanya. "I already moved on Mr. Smith." I whispered Matapang nya sinalubong ang tingin ko. Hindi ko mabasa ang mukha nya ngayon. "Ano pala ang ginagawa mo sa harapan ko?" Tinaas ko ang dalang Mogu Mogu. "Mag babayad." He smirked "I highly doubt Ms. Larrson." Kumabog ang dibdib ko. Lumunok ako bago makipag laban ulit nang titigan sakanya. Medyo nakakangawit din dahil sa tangkad nya ay nakatingala na ako. "Paano kung hindi pa nga ako nakaka-move on Evan?" I used my soft voice. He froze. I smirked. Gotcha! Checkmate my dear ex husband. "Paano kung.." I slowly trailed my fingertips on his neckline "...gusto kita agawin sa asawa mo?" Mas dumilim ang mukha nya. I smiled sweetly. Hahawakan ko na sana sya sa batok nya nang bigla sya lumayo na para bang may nakakahawa akong sakit. "Desiree hindi kita ginugulo kaya...wag ka din mang gulo ng buhay."sabi nito sabay lingon sa bintana balik saakin. "I missed you Evan..." Nakita ko ang pag awang ng labi nya bago nag iwas ng tingin saakin. Tunog ng phone nya ang bumasag sa pagitan namin. "Yeah Tania. Uuwi na ako." sagot nito. I raise my brow. Masunuring asawa? Akala ko ba may meeting pa sya bakit uuwi na sya agad? Hindi na nya ako pinansin nang humakbang sya palayo saakin. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makalabas sya, nag tungo sya don sa van na itim na maraming armadong taong nakapalibot. Kailan pa sya nag karoon ng maraming guards? Pag katapos ko mag bayad sa binili ko ay malapad ang ngisi ko na lumalabas ng convenient store. I'm just starting Evan Smith wala pa tayo sa kalagitnaan kaya wag mo nama ipahalata saakin na naapektuhan ka pa din. Nag lakad ako don sa kotse ko na nakaparada. Sa malayo ay may nakita akong bulto ng tao na nakamasid saakin. Napahinto ako nang makilala ko kung sino ito. Ito 'yong lagi namin nakikita ni Arvid na sumusunod saakin. Stalker inshort. Nanlaki ang mata ko nang unti unti nya hinubad ang sumbrelong suot 'saka tumakbo palayo. Hindi ko alam ano ang pumasok sa isip ko at hinabol ko sya, gusto ko sya makilala kahit sabihin nila na delikado itong ginagawa ako. Me chasing my stalker. Isang malakas na pag sabog ang nag pahinto saakin. Kumabog ang dibdib ko nang makita ko ang ilang mga tao na tumatakbo palayo. Mabilis ko nilabas ang phone ko para tawagan si Drea. Habang tinatawagan ko ito ay pinag mamasdan ko 'yong mga police na dumating at nag mamadaling nag punta doon sa pinang yarihan nang pagsabog. Sinagot naman agad ni Drea [Hoy asan ka na?!] "D-drea may sumabog dito malapit saakin." [What the f**k?! May nangyari bang hindi maganda sayo? Okay ka lang?] Napalunok ako habang pinag mamasdan iyong mga ibang tao na galing doon sa pinangyarihan ng pag sabog. "Okay lang ako. Nagulat lang ako sa pag sabog" May dumaan na dalawang lalake. Mukhang galing sila doon sa pinang yarihan ng pag sabog. "Sino naman kaya 'yong nag lagay ng bomba don?" "Mabuti na lang kamo wala 'yong may ari sa loob ng kotse nya. Kung hindi..." Napahinto ako sa narinig, bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko na alam bakit binalikan ko 'yong kotse ko na iniwan ko lang kanina. Napatakip agad ako sa bibig ko nang makita ang kalagayan ng kotse ko. Nahirapan ako lumunok habang nakatitig dito. May humarang saaking naka-unipormeng police. "Ma'am kayo po ba 'yong may ari ng kotse?" Tumango ako habang nakatitig pa rin sa kotse ko na halos magkalasog lasog na. Paano nangyari ito? Yong pag sabog na narinig ko kanina ay galing sa kotse ko. Halos manlamig ako sa naisip ko. Maraming tanong saakin ang police ngunit para akong bingi na hindi sya marinig. My hands are trembling from fear flowing in my system right now. Is it an accident?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD