Chapter 49

1834 Words
Desiree Larrson Ako ang una nag iwas ng tingin. Huminga ako ng malalim saka kinalma ang kabog sa puso ko. After 5 years, ngayon ko na lang sya nakita, ngayon na lang kami nag kita. Ramdam ko na nakatitig pa rin sya saakin. Parang sa isang iglap bumalik ang sakit na pinilit kong kalimutan. "Mr. Smith! Mabuti nakahabol ka?" nag pasalamat ako na may sumulpot. "Mr. Fernandez.." I heard his baritone voice Dumistansya sya para harapin ang tumawag sakanya. Kinuha ko ang pag kakataon na iyon para umalis. "Ms. Larrson.." tawag nya saakin. Napahinto ako sa pag lalakad, I closed my eyes and calmed myself. Humarap ako sakanya na nakangiti. Fake smile, usually na ginagamit ko kapag nakaharap sa mga camera. "Yes Mr Smith?" Nakatingin sya saakin. Seryoso ang mukha. Ngayon ko lang nakita na ang laki ng pinag bago nya. Mas lumaki ang pangangatawan nya, nag matured ang mukha nya dahil sa beard nyang hindi na nya inaalis kundi trini-trim na lamang, yong mata nya na mas lalo lumamig at ang perfect jaw nya na dumagdag pa. Tinaas nya ang isang daliri saka tinuro ang labi ko. Kumunot ang nuo ko. Anong meron sa labi ko. "May lipstick.." "I know Mr. Smith. Magic Ball kaya dapat naka-lipstick." obvious ba? I want to roll my eyes. "I mean..may lagpas. Mukhang hindi mo napansin." sabi saka binaling na ang tingin sa kausap. Umawang ang labi ko sa sinabi nya, wala sa sariling kinapa ang gilid ng labi ko. And yes! Meron ngang lipstick. Matte and waterproof pa naman ang lipstick ko na ito kaya hindi madaling tanggalin. Great Desiree! Humarap ka sakanya—I mean sa mga camera man na hindi maayos ang labi mo. Nakasimangot akong bumalik sa table namin. Nandoon na sina Arvid at Hana, si Ronnie wala akong pakealam kung nasan nag punta. Uminit bigla ang ulo ko ng makita ang taong iyon. Gusto ko sya tanungin na after 5 years ganon lang ang reaksyon nya na makita nya ako? Hindi sya mag-e-explain? Napahampas ako sa table na kinagulat ng dalawa. Oo nga pala, kampon pala ni satanas yon. I bet tuwang tuwa na sya sa married life nya with his loving girlfriend Tania. Saktong dumaan ang waiter na may dalang inumin. Kumuha ako doon saka nilagok, dumaan ang init sa lalamunan ko. "Ma'am Desiree nakita naming.." tumahimik si Hana saka liningon si Arvid na nag aalalang nakatingin saakin. "I'm fine. Don't worry. Naka-move on na ako" lumagok ulit ako "Where's Ronnie?" I asked "Nag usap kayo?" tanong ni Arvid, hindi pinansin ang tanong ko. "Hindi syempre. Ano ba dapat pag usapan namin? Past is past." umiwas ako ng tingin. Nakita ko si Ronnie na kausap si Stella na naka-kunot ang nuo. Bumuntong hininga si Hana "Ma'am Desiree, naaalala pa namin yong sinabi mo dati nung nalasing ka..gagawin mo pa rin ba yon?" nag aalangan sya mag tanong at buksan ang usapan na iyon. "Ano ba yon." "You will revenge." sagot ni Arvid Naphinto naman ako sa pag inom. "Ah.. sinabi ko iyon?" tanong ko kahit 100% naaalala kong sinabi ko iyon at hanggang ngayon binabalak ko pa rin iyon. Yes, I'm that bad ba para mag higanti sa taong sinaktan ako ng sobra? Hindi lang ako ang pinatay nila kundi pati ang anak ko. And I'll make sure na mag s-suffer yong taong gumawa non. Para saan pa ang pag pasok ko sa buhay showbiz kung hindi ko i-a-apply iyon sa realidad? Fake smile, fake emotions and fake love. Hindi na nag salita pa yong dalawa, siguro naramdaman nilang ayaw ko pag usapan iyon. Maya maya ay dumating na si Ronnie na nakangisi, dumiretso sya sa tabi ko. "Kamusta?" he asked. I raised a brow and pointed him " I saw you with Stella. Ikaw dapat tanungin ko kung kamusta?" Napakamot sya sa batok nya "Wala yon. Simple chit chat" alanganin nyang sabi. "Kumain ka na? Kayo?" sabay tingin sa dalawa "Kakain na, dumating ka na kasi. Kanina ka pa naming hinihintay" nakangiti na sagot ni Hana, nag ni-ningning pa ang mata. Tumikhim si Arvid "Kuha na tayo" sabi kay Hana saka hinila na patayo. "Anong nangyari don?" takang tanong nya. "Manhid" I murmured. Tumingin ako sa paligid at napahinto sa bulto ng lalake na kanina ko lang nakita. Tumaas ang sulok ng labi ko ng makita syang nakikipag usap sya sa mga business man. Walang babae? So loyal sya sa asawa nya ngayon ah. Saktong napalingon sya saakin, kinabahan ako saka bumaling agad kay Ronnie na umiinom. Nilingon nya ako. "Why?" Napahinto ako saka may naisip. Pasimple ako sumilip sa gawi nya. Napangisi ako, ano tinitingin tingin mo dyan? Bumaling na ako kay Ronnie na nag tataka sa mga actions ko. Hinawakan ko ang panga nya saka dahan dahan na lumapit sakanya. Unti unti lumaki ang mata nya "What the f**k are you doing Ree?!" bulong nya na galit. "Stay still" bulong ko saka sumilip kay Evan na ngayon ay bigla nag iwas ng tingin. Mabilis din ako lumayo kay Ronnie ng dumating si Stella na masama ang timpla sa mukha. "Stella!" gulat na sabi ni Ronnie. Kahit masama ang tingin nito samin o sakin ay maganda pa rin ang mukha. Tumalikod ito saka tumakbo. Nag-mura si Ronnie saka sinundan si Stella. Umiling na lang ako saka ngumiti sa dalawa na paparating, sinigurado kong nakangiti ako ng tagumpay. Nilapag nila ang plates nila sa lamesa. "Oh asan si Ronnie?" tanong ni Hana. "Hindi ka na naming kinuhaan Ma'am Desiree baka mamaya hindi mo gusto yong makuha namin eh." Tumayo na ako saka iniwan sila. Ngumiti ako sa mga nakakasalubong ko. Totoong ngiti yong pinakita ko. Syempre dahil nag tagumpay ako sa plano ko kanina. Oh my Evan. Nag tungo ako sa vegetable salad at kumuha ng kunti. I'm on diet kaya kahit gusto ko kumain ng letchon, pinipigilan ko. Ganyan kahirap maging model. Dapat i-maintain mo ang katawan mo. "Ree right?" Liningon ko ang matipunong lalakeng tumawag saakin. Tinitigan ko sya ng mabuti na kinikilala. Parang nakita ko na sya somewhere. Ngumisi sya na nag pakita ng kanyang mapuputing ngipin saka nag lahad ng kamay. "I'm Calvin Monzanto." Tinanggap ko ang kamay nya saka ngumiti " Ree Larrson. Business man?" I asked kasi hindi ko naman sya nakikita sa showbiz so baka business man sya or politicians. Humalakhak ito "Never miss. Masyado komplikado iyon." Gwapo sya bakit hindi sya nag "Artista?" "Far from that Ree.." Mas tumawa sya "No doubt na napag kakamalan talaga ako" umiling iling sya. Ngumiti ako sa sinabi nya saka tinitigan sya ng mabuti. Gwapo, malaki ang katawan at mukhang okay sya maging Flavor of the month ko. "Yeah. Marami na-gwa-gwapuhan sayo. Like me.." kibit balikat ko saka binigyan sya ng killer smile ko na maraming nabibiktima. Tinaas nya ang dalawang kamay "Oh Miss.." lumunok saka lumingon lingon sa paligid parang may hinahanap saka ngumiti sakin ng hilaw "I'm taken.." tumawa sya I raised a brow. Useless. Bumaling na lang ako sa platito na may lamang vegetable salad. "I gotta go Calvin. Nice to meet you again" ngiti ko saka tumalikod. Mabilis dumaan ang oras, natapos na rin ang Magic Ball. Nag karoon pa ng last dance pero parang nadala na ako kaya hindi na ako nakihalubilo. Pag katapos non ay hinatid na ako nina Hana at Arvid sa condo ko. Binagsak ko ang katawan ko sa kama saka pumikt. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng ulo ko. Napamulat ako sa ring ng cellphone ko. Tamad na kinuha ko ito saka tinignan muna bago sinagot. "Mom.." [Oh my honey! Sa wakas sinagot mo na ang tawag namin] narinig ko ang lungkot sa boses ni Mom. Huminga ako ng malalim. "I'm sorry Mom. Sobrang busy lang po. Kamusta po kayo? Si Dad?" parang bumabalik ako sa dati kapag kausap ko ang magulang ko. Nagiging malambot ako.. [Ayon, namimiss ka na naming agad! Si Dad mo tumutulong sa pag r-renovate kasama si Engr. Gomez.] "Si Dad naman Mom, matanda na eh. Sabihin mo Mom na hayaan na sina Leopoldo doon. Alam nya yon, sya ang Engineer" [Kilala mo naman honey ang Dad mo, ayaw yon na walang ginagawa lalo na nung nawala ang kompanya natin..] Tumahimik ako saka huminga ng malalim. "Kahit na Mom. Uuwi ako next week dyan." [Talaga honey?! Siguradong matutuwa ang Dad mo non! Oh my ano gusto mo iluto ko saiyo?] excited na sabi ni Mom Tumawa ako saka pinahid ang luha sa gilid ng mata ko. "Im fine Mom. Kayo po ang pinuntahan ko dyan hindi pag kain." [Hay.. I miss you anak] "I miss you too M-mom" halos mag c***k ang voice ko sa hikbi na pinipigilan ko. Natapos din ang tawag naming ni Mom pag katapos nya mag paalam. Expected the unexpected. Alam kong mahal ni Dad ang kompanya na pinahawak nya kay Evan ng k-kinasal kami. Pero nung nag hiwalay kami, hindi na naming pwede makuha pa iyon lalo na kung pangalan na ni Evan ang nakasulat sa owner non. Pinikit ko na lang ang mata ko at nag padala sa antok. Kinabukasan dumiretso ako agad sa office ni Drea. Sakto namang nakaupo ito sa upuan nya. Nakita nya ako agad saka ngumiti ng malapad. "Hi Queen of the Night!" bati nya dahil ako ang napiling Queen of the Night kagabi sa Magic Ball. "Taken na pala yong nakuha mo na partner ko Drea" sabi ko sakanya. I crossed my arms on my chest. Tumaas ang kilay nya "Oh? I didn't know. Pero hottie naman sya ah? What's the problem with that?" Umirap ako "Ayoko sa mga taken na! I'm not a mistress" sinamaan ko sya ng tingin. Tumawa sya saka tumayo at umikot saka naupo sa lamesa nya "Still bitter? Naagawan ka kasi—" "Drea!" "Affected ka pa rin? 5 years na ang nakakalipas Desiree!" "Kahit na—" "Hindi ka pa nakaka-move-on?" seryosong sabi nya. Napahinto ako saka nag iwas ng tingin "Naka move on na ako Drea ano bang tanong yan?" "You think hindi ko alam na andon sya sa Magic Ball kagabi?" Liningon ko sya agad "What the! Alam mo?!" Tumango sya saka tamad na pinag laruan ang ballpen sa lamesa nya "Akala ko naka-move on ka na eh kaya hindi ko na sinabi pa. Sa dami pa namang dini-date mo, sinong hindi mag-a-assume na nakalimot ka na?" tumaas ang kilay nya. Huminga ako ng malalim saka bumagsak upo sa sofa nya "Okay" Tinagilid nya ang ulo nya. "Akala ko ba mag-r-revenge ka?" Alam ni Drea, kasi silang 3 nina Hana ang kasama ko nung first ko malasing. Pero sakanilang 3 si Drea lang ang tingin ko natutuwa sa gagawin kong pag hihiganti. You know her, heartbreaker. Sama mo pa yong mga kaibigan nya. Kaya sakanila ako natuto mag laro ng lalake. "You think I'm noob?" nilingon ko sya saka tinaasan ng kilay. Namangha sya sa pinakita ko "O cmon b***h! Spill it" Ngumisi ako saka tumingin sa painting na nakasabit sa pader ng office nya "Sabihin natin na nag sisimula na ako humakbang."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD