Chapter 18

1663 Words

Point of view - Raven Beringer –   Hindi ko alam kung bakit tila may nagbago sa aking damdamin. Simula nang makasama ko ang babaeng iyon kagabi, pakiramdam ko may isang bagay ang nagbago sa aking puso.   Hindi ako isang tanga upang hindi malaman kung ano ito. Hindi ako isang inutil upang hindi ko masabing... umiibig ako. At alam kong isang malaking kasalanan ang aking nararamdaman. Isa itong malaking balakid para sa aking trabaho.   Hinagod ko ng daliri ang aking sentido. Pakiramdam ko, sasabog ano mang oras ang aking ulo kaiisip sa mga bagay-bagay. Paano ko pipigilin ang aking nararamdaman? Paano ko puputulin ang bagay na bawal sa napagkasunduan?   Halos lumundag ang aking puso nang biglang mag-vibrate ang aking cell phone.   Kinuha ko ito sa aking bulsa at nang makita ko ang p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD