Chapter 50

2376 Words

Point of view - Kathleen Vergara - "Kailangan natin gawin ulit ang concert?" tanong ni Emily na ngayon ay nakapalumbaba at nakaupo sa harap ng lamesa. Kasalukuyan kaming nasa aking condo: ako, si Dave, si Emily, at Raven na ngayon ay nakaupo sa isang sofa na 'di kalayuan sa amin. Tiningnan ko si Raven, nababakas ang pagtataka sa kanyang mukha. Panay ang tingin niya sa kaliwa at kanang bahagi ng aking condo, siguro ay may naaalala siya rito nang kaunti. "So, paano natin gagawin iyon?" Naputol ang aking iniisip nang muling magsalita si Emily. Ang totoo, kanina pa namin iniisip ang mga bagay bagay. Ang sabi ng doktor, kailangan namin maibalik si Raven sa reyalidad ng buhay, ngunit kaunti lang ang tyansa nito at kailangan isiping mabuti ang desisyon. Nais kong bumalik sa dati si Raven.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD