Point of view - Kathleen Vergara - Habol hininga akong tumatakbo sa hallway ng gusali ng Vergara Corporation. Bitbit ko ang dokumentong naiwan ni Raven sa kanyang condo, isang dokumentong kakailanganin niya para sa kanyang interview ngayon. Nang ako ay makarating sa elevator, agad kong pinindot ang numero ng palapag kung saan ako tutungo. Tila nag-jo-jogging ang aking mga paa dahil nais ko nang bumukas ang pinto ng sinasakyan kong elevator. "Bilis! Bilis!" pagmamadali ko na animoy naiihi. Nang sa wakas ay bumukas ang pinto na ito. Agad akong tumakbo palabas at nagtungo sa opisina ni daddy. Hinahabol ko pa ang aking hininga nang buksan ko ang pinto ng kanyang opisina. "Dad, narito ang—" Naputol ang aking sasabihin nang makita ko si Raven at ang aking ama habang nakatayo at may hawak

