Point of view - Raven Beringer - Isang malamig na alak ang nasa loob ng aking baso. Ang mga butil ng tubig na nagmumula sa pawis nito ay dahilan nang halos hindi ko na ito nagagalaw, natutunaw na rin ang yelo sa loob. Gamit ang aking kamay, hinawakan ko ang maliit na baso saka ko ito inikot-ikot upang mahalo ang alak na nasa loob. Ramdam ko na rin sa aking katawan ang epekto ng alcohol, hindi ko na rin kasi alam kung nakailang tagay na rin ako, basta ang alam ko lang, nais kong malulong sa alak ngayon. Kahit hilong-hilo na ang aking isip, nilagok ko ang huling butil ng alak sa loob ng aking baso. Makalilimot ba ako sa ganitong paraan? Malilimutan ko ba ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa aking puso? Bakit ba napakahirap para sa akin ang lumayo sa babaeng iyon? Bakit ba mahirap iba

