Point of view - Kathleen Vergara - "Sorry, Dave. Pero hindi na mahalaga sa akin ang bagay na iyan. At isa pa..." mahinang sabi ko. Natigil ang aking pagsasalita nang aking maisip kung sasabihin ko ba sa lalaking ito ang totoo. Wala na akong nararamdaman para kay Dave. Napagtanto ko ito simula nang makilala ko si Raven. Ngunit tulad ng nangyari sa amin ni Dave, baka hindi talaga nakatadhana sa akin ang magmahal at mahalin. Sa tingin ko, kung sabihin ko man ang bagay na ito kay Dave, ayos lang naman dahil una sa lahat, tuluyan ko nang sinukuan si Raven. "Hindi ko totoong asawa si Raven. Ang totoo, nagpapanggap lang kami. Mahabang istorya, Dave. Pero salamat sa tulong mo, salamat sa lahat." Alam ko at ramdam ko ang gulat ni Dave sa kabilang linya. Alam kong maaaring hindi siya maniwala s

