Point of view - Kathleen Vergara - Pamilya, isang salita na maraming kahulugan, ngunit binubuo ng pagmamahal. Sa bawat problema na ating kinahaharap sa buhay, huwag kang matakot na ibuhos ang iyong mga luha. Umiyak ka, matapos iyon, pahiran mo ito at muling ngumiti sa isang bagong umaga. Huwag mong kalimutan na may mga taong nandiyan upang maging iyong sandalan. Nandiyan ang iyong pamilya na handang makinig sa iyong problema at naghihintay lang sa iyong pagsasalita. Huwag kang mahiya na ipakita at iparamdam ang pagmamahal mo sa kanila, bagkus, alagaan mo sila tulad ng pag-papahalaga mo sa iba. Ito ang mga bagay na aking natutunan nang ako ay gumawa ng isang kamalian. Ngunit kahit gano'n, napili pa rin nila akong mapatawad. Pinili pa rin nilang tanggapin ang aking pagiging hindi perpek

