Point of view - Kathleen Vergara – Isang halimuyak ng bawang ang aking naamoy. At alam ko kung ano ang niluluto ng kung sino man sa aking paligid. Lugaw, nagluluto siya ng lugaw. Pero essential na ba ang lugaw ngayon? Nais kong imulat ang aking mga mata upang makita kung sino ang taong nagpapakulo ng aking sikmura. Ngunit nang subukan kong gumalaw, isang matinding kirot sa aking ulo ang aking naramdaman. "Aaarrghh!" Agad akong napahawak sa aking ulo nang subukan kong itaas ang aking katawan, mabuti na lang at hindi matigas ang headboard ng kama na ito. Sandali, kama? Biglang nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto na nagising pala ako sa isang malambot na kama. At tila ang sakit ng aking ulo ay nawala nang sa wakas ay maalala kong ito ay kama ni Raven. Hindi ako mapakali at

