Point of view - Raven Beringer - Alam kong dapat akong umiwas sa babaeng ito. Alam kong malaking balakid siya sa lahat ng nararapat kong gawin. Ngunit wala akong ibang pagpipilian, dahil alam niya ang tungkol sa akin. At sa aking nakaraan. Hindi ko alam kung paano siya nagkaroon ng impormasyon tungkol doon, pero isa lang ang alam ko, kapag ako ay sumuway sa nais ng babaeng ito, muling mawawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Nang ako ay makarating sa kanyang kinaroroonan, umupo ako sa upuan sa kanyang harapan. Nag-order ako ng isang juice saka nilapag ang aking kamay sa lamesa at tiningnan ang babaeng nasa aking harapan, nakangiti siya sa akin na tila nakakita ng isang liwanag. At dahil ayoko nang pahabain pa ang usapan, nagsimula na akong magsalita. "What seems to be the problem, n

