Point of view - Kathleen Vergara - Tila aso at pusa ang dalawang lalaki na kasama ko. Hindi ko naman akalain na ganito kaseloso si Raven. At parang kahit bata ay kanyang pinagseselosan. Mahigpit ang kapit sa aking kamay ng bata na aming kasama. Ang sabi niya, ang pangalan daw niya ay Cedrick at nahiwalay siya sa kanyang ina, kaya naman ngayon ay tinutulungan namin siyang hanapin ang kanyang magulang. Ilang oras na rin ang nakalipas at wala pa ring tumatawag sa akin sa kung nasaan man ang magulang ng batang ito, sigurado akong labis na ang kanilang pag-aalala. "Bata, sa kamay ko ikaw humawak," saad ni Raven na pumutol sa aking mga iniisip. "Bakit ko naman gagawin iyon, kuya? Eh gusto ko ang kamay ni ate." Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Raven na tila naiinis sa batang kasama namin.

