Point of view - Kathleen Vergara - "Sa tingin mo, Raven. Ano ba ang magandang isuot mamaya?" saad ko habang patuloy ang paghahagilap ng magandang damit sa aking kabinet. Mayroon kasi kaming family gathering mamaya at dadating ang aking mga lolo at lola galing sa Australia, nais kasi nilang makilala si Raven. Ang totoo gusto ko na rin ipakilala si Raven bilang nobyo ko, kaso lang ang alam nila ay asawa ko siya. Okay na rin iyon, tutal doon na rin naman pupunta ang aming relasyon. "Kahit ano namang suotin mo ay bagay sa'yo, Kathleen." Ang bagay na sinabi ni Raven ay naghatid sa akin ng kilig. Ang sarap niyang batukan dahil nagtatanong ako nang maayos. Muli akong tumingin sa aking kabinet. Sa dami naman kasi ng damit ko, nahirapan tuloy akong pumili. Kaya naman kinuha ko na lang ang is

