Point of view - Kathleen Vergara - Kailan mo nga ba masasabi ang salitang tama na, sa larangan ng pagmamahal? Kailan mo nga ba malalaman na siya na nga ang the one? Maraming pagmamahalan ang sinubok ng kapalaran. Marami ang nabigong ipaglaban ang bagay na ito, ngunit may iba namang sa pag-iisang dibdib ang katapusan. Para sa akin, ang pagmamahal ay isang bagay na hindi natin dapat sukuan, ngunit kailangan nating limitahan. Kung ang pag-ibig na hinihintay mo ay wala pa sa iyo, may darating din na isang taong magpupunan ng isang parte sa iyong puso. Kung ikaw naman ay paulit-ulit na nasasaktan, umiyak ka lang, saka mo muling ibuhos ang iyong pagmamahal sa sarili at huwag kang matakot na magmahal muli *** Para sa akin, wala na akong ibang hihilingin pa kung hindi ang makasama si Raven s

