Point of view - Dave Montes - Ilang araw pa ang lumipas ay wala na rin kaming balita sa CEO na si Raven. Muli na namang naging usap-usapan ang paglubog ng kompanya dahil ang sabi, isang malaking investor daw ang nag-pull-out ng kanilang investment sa kompanyang ito. At ngayon, nahaharap na naman kami sa matinding krisis. Nasaan na ba kasi si Raven? Ang mga kasamahan niya at board member ay ginagawa ang lahat upang isalba ang stocks, ngunit malaking kawalan ang investor na iyon. Ano nga ba raw ang pangalan niya? Ricardo? Naputol ang aking iniisip nang makita ko si Luke na tumatakbo sa hallway pababa ng lobby. Tila nagmamadali ang kanyang hitsura ay halatang nag-aalala ang kanyang mukha. Bakit kaya? Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa akin dahil namalayan ko na lang, palihim na akon

