Point of view - Kathleen Vergara - Isang malaking pagdiriwang ang idaraos ngayon para sa bagong bukas na kompanya ng aming pamilya rito sa Sydney. At bilang nag-iisang anak nina Mr. and Mrs. Vergara, kailangan kong pumunta sa nasabing pagdiriwang. Ngayong gabi, abala ako sa paghahanap ng damit na aking masusuot. Ang sabi ni mommy, kahit isang simpleng formal attire lang ang aking isuot ay maayos na iyon, pero dahil isa akong fashion designer, nais kong maging maayos at kagalang galang ang aking kasuotan. Marahan akong tumayo mula sa aking kama lumingon ako sa kanan at naglakad patungo sa isang malaking two door na pintuan. Sa pagbukas ko ng pinto na iyon, automatic na bumukas ang ilaw sa loob ng silid na aking pinuntahan. Makikita sa loob ng silid na iyon ang isang maliit na lamesa na

