BLOOD 66
NAGLALAKAD sila Edriana at Kaden sa gubat ng halos isang oras, malapit na rin sila sa lagusan ng Illustra habang magkahawak ang kanilang kamay, ni walang sumunod sa kanila para pigilan lalo na ang binita. Agad na hinila ni Edriana ang kanyang kamay kay Kaden kaya na hinto din ang binata sa paglalakad at hinarap ang bawat isa.
"Hindi toh tama," aniya ni Edriana.
Gulong gulo naman ang isipan ni Kaden ng mga oras na yun, naka titig lang sa dalaga habang naka kunot ang noo. Hindi nagsalita si Kaden kaya nagpatuloy lang si Edriana, "kailangan mo nang bumalik sa inyo pag na ihatid muna ako sa amin, kausapin mo sila ng maayus, hindi tama yung ginawa mo kanina."
"Alin ba ang tama o mali sa nangyayare?" Singhal ng binata.
"Huh?" Nagtatakang tanung ng dalaga.
"Hindi mo ba nararamdaman o nagpapakawalang bahala ka lang, Edriana gusto ka nilang paalisin dahil mortal ka sinasabe nila na hindi ka na maaring magtagal doon. Alam ko naman yun, madali naman akong kausap pero yung ginawa ni Eulexis kanina ang hindi ko maintindihan. Pwede naman siya makipag usap ng maayus, isa pa pamilya din niya kami parang siya na lang siya ang iniisip niya."
"Pero---"
"Hindi mo kase ako na iintindihan Edriana, ngayun lang toh. Ayoko na kitang pakawalan pa, sana naman payagan mo akong sumama sayu, yung sinabe ko sayu na hindi kita papabayaan kase babantayan kita palagi." Saka hinawakan ni Kaden ang mukha ng dalaga, para ba sabihing ayus lang ang lahat.
Tanghali na ng mga oras na yun ngunit napaka lamig ng hangin, "hindi muna man kailangan gawin toh eh," aniya ni Edriana sa binata.
"Kagustuhan ko ito, hahayaan ko lang maging malamig ang lahat. Pangako ko sayu babalik ako dito, gusto ko lang samahan kita." Ngumiti naman si Kaden na siya namang nagbigay ngiti din kay Edriana, mabilis na binigyan ng halik ng binata ang dalaga sa labi.
Bumaba ang kamay ni Kaden sa mismong kamay ni Edriana, iniisip lang ni Kaden ang lugar na malapit kila Edriana, ang gubat ng palabas na sila ng Illustra. Ngunit sa paglabas nila sa lagusan isang mabilis na pangyayare ang hindi nila inaasahan. May tumamang karayom sa leeg ng binata, isang pang patulog kaya agad itong bumulagta sa lupa at nabitawan ang kamay ni Edriana.
Gulat na gulat si Edriana at agad na inalog alog ang binata para magising, umakyat din agad ang takot at kaba sa kanya ng mga oras na yun. Madilim paren sa buong lugar, na animoy walang oras na di nagtagal simula ng pumasok sila sa Illustra. Sabay-sabay na nagbukas ang ilaw mula sa sa mga motor at four by four na kotse.
Maraming taong naka paligid kay Edriana habang yakap-yakap ang binata, halos lahat ng baril na pang patulog naka tutok sa kanila. Nakaka silaw ang ilaw kaya unti-unti pa bago nag adjust ang kanyang mga mata, takang taka siya kong anu nga bang nangyayare sa mga oras na yun.
Hanggang sa dahan-dahan humina ang mga ilaw na yun, may tatlong taong papalapit sa kanya, nakilala niya agad ang mga ito, ang papa niya si Minchi at ang kaibigan ng papa niya. Mabilis din siyang hinablot ng mga body guard nila at pati na rin ang nahihimbing na katawan ng binata para maglayu sila.
"Bitawan ninyu siya! Bitawana ninyo siya!" Halos wala nang pake alam si Edriana kong mapaos man siya kakaulit sa pagtili at masaktan sa kakapumiglas sa may hawak sa kanya.
Ngunit babae siya at hindi niya kaya ang naglalakihang body guard na may hawak sa kanya ngayun. "Tama na Edriana," nag aalalang saad ng ama niya.
"Dad, what's happening here?"
"Maiintindihan mo rin ang lahat, iha." Biglang sambit ng kaibigan ng ama niya ngunit hindi ito pinansin ng dalaga hanggang sa makita na lamang niyang pinasok sa isang kotse ang binata na wala pareng malay.
"Wag ninyu siyang sasaktan! Anu bang gagawin ninyu sa kanya?" Singhal ni Edriana ngunit walang pumapansin sa kanya lalo na ang ama nito.
"Hindi namin siya sasaktan, pag aaralan lang namin ang tulad niyang kakaibang nilalang." Nang laki ang mga mata ni Edriana sa narinig niya kay Minchi.
"Sorry iha pero nahuli ka kase ni Minchi na papunta dito at sinundan ka. Narinig niya ang lahat, siya pala ang sinasabe ng ama mo sa akin, hindi mo ba alam kong mga anu kami, mga scientist kami nag aaral kami sa mga nilalang na kakaiba at matagal na naming siyang hinahanap, ang mga katulad niya."
Hindi makapaniwala si Edriana sa narinig niya sa ama ni Minchi, animoy dinala lang niya sa kapahamakan ang binata, hindi niya inaasahan na mangyayare ito. Agad siyang sumulyap sa ama niya na naka yuko, hindi niya alam na scientist ang trabaho ng ama niya, ang alam niya boss siya ng isang malaking kompanya.
"Papa, pigilan mo sila. Hindi ito pwedeng mangyare, paglalaruan lang ninyu ang katawan ni Kaden at pagkatapos nito papatayin ninyu siya." Hindi na maiwasang maging emosyunal ng dalaga lalo na't hindi siya pinapansin ng ama.
"Marami ba silang ka uri nila?" Nang laki ang mata ni Edriana sa tanung na yun sa kanya ni Minchi, "alam ko naman na marami sila eh," napa sulyap si Edriana sa nakaka takot na ngiti nito.
"Dalhin na ninyo si Edriana sa silid niya," biglang utos naman ng ama ni Edriana.
"Dad! Hindi mo pwedeng gawin sa akin toh, Dad makinig ka sa akin! Maawa ka naman kay Kaden!" Sigaw paren siya ng sigaw hanggang sa maka layu na siya sa mga yun, unti-unti na ring nag sisialisan ang mga kotse at motor sa gubat, pati na rin sila Minchi kasama ang papa niya.
Nagpupumiglas paren si Edriana hanggang sa maibagsak siya sa kama ng mga nagdala sa kanya at saka sinara ang pinto ng silid niya. Agad siyang tumayo at gulong gulo ang isipan niya kong anu bang nangyayare. Ang daming tanung sa isipan niya, 'anu bang ginawa ko?' Paulit ulit na tanung niya sa kanyang sarili, 'sabe ko na nga ba hindi tama na lumabas pa siya ng Illustra.'
Napa hawak ang mga kamay niya sa ulo at ginugulo ang buhok. Natumba muli siya sa kama at doon naghahagulgol, iniisip niya kong anu bang pwedeng mangyare kay Kaden sa mga oras na yun, iniisip niya na hindi paren siya naging maingat sa mga kilos niya, na dapat mas lalo pa niyang pinilit na wag nang umalis ang binata.
"Kasalanan ko toh," bulong niya sa pagitan ng mga hagolgol. Ilang minuto lang ang lumipas ng tumahimik ang buong silid, agad din siyang bumanggon ng may pumasok na ideya sa kanyang isipan.
Inayus niya ang sarili at lumabas ng silid. Agad siyang pumunta sa silid aklatan ng ama niya, naalala niya na palagi siyang pinag babawalan na pumunta doon dahil ayaw nitong nagugulo ang mga gamit o ayus ng mga bagay sa loob. Walang makaka pigil sa kanya, inisip niyang walang kwenta kong iiyak siya sa mga oras na yun, bagkus maghahanap siya ng bagay na pwedeng maka tulong sa binata kahit na ikamatay pa niya.
Katulad ng mga silid aklatan, puno ito ng mga libro at mga dokumentong nagkalat sa kong saan-saan na lamesa. Lumapit siya sa mga litratong naka dikit sa isang pader na maayus na naka lagay sa mga frame. Kinuha niya ang isang litrato na may buong mukha ni Mr. Grace ang ama ni Minchi.
Pinag masdan niyang mabuti ngayun lang niya napansin na maputla ito ng katulad kay Kaden, pati ang mga mata nito ay may kakaibang kulay, kulay lilac. Unti-unti na siyang nagtataka at kinuha pa ang isang litrato. Kong saan kasama si Minchi at ang ama niya, sa litratong yun kulay asul naman ang kulay ng mata ni Mr. Grace at kulay puti naman ang mata ni Minchi.
Na gulat siya at paulit ulit na tinitignan ang bawat litratong na andoon, halos magkakaiba ang kulay, hindi na niya iniisip na contact lense ang mga yun, dahil imposible dahil sa kakaibang liwanag na nang gagaling doon.
Dahan-dahan lumaki ang mga mata niya, saka lang niya napag tantong hindi normal na nilalang ang gusto niyang kalabanin, kong di nilalang din na katulad ni Kaden, ang mga aswang. Hindi na niya kinaya pa ang nalaman at agad na bitawan ang dalawang litrato na agad na naging dahilan para ikabasag ng salamin nito.
Lalo lang siyang pinang hinaan lang loob, kong paanu, bakit din naging ka kilala din yun ng ama niya at anung dahilan. Na isip niyang lalo pang delikado sa binata, naalala niya ang sinabe ni Kaden na marami pa siyang katulad na nagkalat sa buong siyudad.
"Hindi ito maari," bulalas ni Edriana habang nanglalaki paren ang mga mata.