BLOOD 65
MALINAW na sa kanilang dalawa ang mga nararamdaman nila sa bawat isa lalo lang nangibabaw ang pagmamahalan sa kanilang dalawa, walang salita ang pwedeng magsabe ang kanilang nararamdaman sa oras na yun, pagkatapos ng pag uusap na yun sandali muli silang natahimik at minabuting namnamin ang oras na sa kanilang dalawa.
Naka higa si Kaden sa sofang na andoon sa silid aklatan habang si Edriana naman ay naka patong sa kanya, ginawang unan ng dalaga ang dibdib ng binata kaya naririnig niya ang mabilis na t***k ng puso nito, habang ang mga braso naman ng binata ay naka yakap sa mga bewang ng dalaga.
Inanggat ni Edriana ang kanyang ulo para makita ang naka pikit na mga mata ng binata, “Kaden.”
“Ahmmm,” hindi paren binubuksan ni Kaden ang mga mata niya at hinihintay ang sasabihin ni Edriana.
“Totoo ba talaga yung mga sinabe mo kanina, hindi ka talaga nagbibiro I mean baka lang naman napipilitan ka o kaya naawa lang sa akin kase umiyak ako sa harapan mo.”
Kumunot ang noo ni Kaden saka niya binuksan ang mga mata niya kaya saktong nagkatinginan sila ni Edriana, “akala ko ba na iintindihan muna? O baka naman gusto mong halikan kita uli.”
Mabilis na namula ang mga pisngi ni Edriana ngunit agad niyang binawi ang pagkagulat, “huh? Hindi ah, anu lang naman---ay oo na. Eh kase naman parang imposible,” aniya ni Edriana habang pinag lalaruan ang mga daliri niya sa dibdib ng binata.
Huminga ng malalim ang binata at saka inalis ang iilang hiblang naka takip sa mukha ng dalaga, “lahat ng yun totoo, mahirap man paniwalan pero ipaparamdam ko sayu lahat para maniwala ka, pero sa totoo lang na masakit sa akin na hindi ka maniwala sa akin pagkatapos kong umamin sayu ay parang wala lang sayu.”
Agad na umalis si Edriana sa pagkakapatong kay Kaden at saka umupo sa paanan nito. Saka naman din umupo ang binata sa tabi niya, “nagtatampo ka ba? Sorry naman, oo na naniniwala na ako.” Lalo pang umakto ng malungkot si Kaden kaya lalong nag alala si Edriana, “sorry na, anu bang gusto mo para maging ok kana?”
Agad na may pumasok na ideya kay Kaden kaya napa ngiti siya ng malawak at unting-unting lumapit kay Edriana. “Teka anung gagawin mo?”
“Madali lang naman,” agad na sinunggaban ng halik si Edriana ng binata at dahil din doon pinilit ni Kaden na mapa higa ang dalaga habang hawak nito ang dalawang kamay sa itaas ng ulo ng dalaga.
Iba ang halik na yun sa lahat ng binigay ng binata sa kanya, may halo ng pang gigil at puno ng pagmamahal, hindi din niya maiwasang may lumabas na ungol sa kanyang bibig. Agad na huminto ang binata, alam niya kong hanggang saan lamang siya kaya ayaw niyang gawin ang isang bagay na alam niyang pwedeng gawin ng mag asawa at hindi ng isang magkasintahan.
Hingal na hingal na huminto ang dalawa, saka naman pina kawalan ni Kaden ang mga kamay ni Edriana para yumakap sa kanyang mga leeg. Pinatong naman niya ang mga noo sa noo din ng dalaga, “mahal na mahal kita.”
“I love you too,” saad ng dalaga sa pagitan ng paghahabol niya sa kanyang hininga.
“Gusto mo bang magtagal pa dito, ipapasyal kita?”
Napa taas naman ang isang kilay ni Edriana, “talaga?”
Binigyan naman ni Kaden ng isang matamis na ngiti ang dalaga saka binigyan ng mabilis na halik sa ilong bago ito magsalita, “bakit hindi, halika na. Mag-uumpisa na tayu ngayung araw, alam kong magugustuhan mo dito.”
Agad na silang tumayo at magkahawak ang kanilang kamay ng lumabas sila ng silid aklatan ngunit may ingay na nang gagaling sa labas bago pa man sila maka labas hanggang sa makita nila sila Eulexis at Sid na nasa labas.
Nang makita nila Eulexis sila Kaden an lumabas ay agad itong pinakawalan ni Sid sa pagkakayakap, “anung nangyayare dito?” tanung ni Kaden sa dalawang kapatid.
Tinignan ni Eulexis ang mukha ng dalawang magkasintahan, “kailangan nang umalis dito ni Edriana.”
“Eulexis naman eh,” bulalas ni Sid habang naka yuko ito, habang ang dalawa ay gulat na gulat ngunit mas gulat na gulat si Kaden na lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ng dalaga.
“Anung ibig mong sabihin?” tanung muli ni Kaden sa kapatid.
“Eulexis tama na talaga, may karapatan din naman dito si Kaden hindi mo siya kailangan pangunahan ang gusto niyang mangyare.” Sabat ni Sid sa dalawa, ngunit lalo lang nag init ang ulo ni Eulexis sa hindi malamang dahilan ng dalawang magkasintahan.
“Tigilan mo ako Sidney! Alam ko kakambal mo si Kaden pero ako ang lider at may pinaka mataas na tungkulin sa dito sa Illustra, ang gusto ko lang mangyare ay umalis na ang mortal na yan, magiging mapanganib sa ating lahat pagnagtagal pa siya dito.”
Nagpatuloy pa si Eulexis, “ito lang ang tanging paraan para hindi na matuloy pa ang iba pang mangyayare katulad nung mga nakaraang buwan, mahirap na, sana naman maintindihan mo yun, hindi siya dito pwedeng magtagal.”
“Ah ganun ba? Ok, aalis siya kasama ko.” Agad na hinila ni Kaden si Edriana na gulat na gulat paren sa nangyayare ngunit biglang hinila ni Eulexis ang kamay ni Kaden para mapa bitaw kay Edriana.
“Saan ka pupunta? Hindi ka pwedeng umalis, ang sinabe ko si Edriana lang ang aalis!” Saway ni Eulexis sa kanyang kapatid na halos nagkakataasan na sila ng boses. “Kuya mo ako at kailangan mo akong sundin!”
“Kuyahin mo mukha mo!” agad na tinulak ni Kaden si Eulexis kaya agad naman na sinuntok ni Eulexis si Kaden, sa pagkakagulat sa nangyayare agad na humarang naman si Edriana at Sid, hinihila ang dalawa para lang mahino ang dalawa.
Dahil babae si Edriana at isa siyang mortal hindi niya nakita na suntok siya ni Eulexis sa biglang pag ilag ni Kaden, sa bilis ng pangyayare nakita na lang nilang naka upo si Edriana sa sahig habang hawak-hawak ang nagdurugo nitong gilid ng labi. Agad na lumapit si Kaden at Sid kay Edriana para tumulong.
Hilong hilo naman ang dalaga dahil sa malakas na suntok, “ayus ka lang ba?” alalang alala si Kaden sa dalaga, nagsilabasan naman ang iba pang na andoon sa mansyon para makita ang kaguluhan na nangyayare, nang makita nila ang gulo gulat na gulat naman ang lahat at agad na nilapitan naman ni Camille ang asawa niyang si Eulexis.
Tumayo na si Kaden at tinulungan si Edriana na tumayo, “buo na ang desisyun ko, aalis na ako sa Illustra at doon ako maninirahan sa mundo ng mga mortal.”
“Anu bang sinasabe mo Kaden?” gulat na gulat na tanung ni Eunice.
“What?” bulalas naman ni Edriana sa tabi ni Kaden.
“Hindi muna man kailangang gawin yan, Kaden.” Saad naman ng kakambal ni Kaden na si Sid.
“Anu bang nangyayare sa inyo, bakit kailangan paalisin si Edriana? Bakit nung si Camille nang na andito wala kayung ginawa at pinotrektahan pa ninyu, akala ko hindi ninyu gagawin sa akin ito, kahit ba hindi kayu sanay na ganito ako sa isang babae. Oo na iintindihan ko naman si Eulexis, pero sana sinabe ninyu ng maayus, aalis naman siya pero sa ginawa ninyu lalo kana Eulexis ayoko nang manirahan dito sa mansyon.”
“Anu bang ibig mong sabihin Kaden?” pag aalala ni Eunice sa mga anak na nag aaway.
“Kailangan ko lang protektahan ang lahat ng nilalang dito lalo na ang magiging pamilya ko,” aniya ni Eulexis.
“Dahil ba ikaw may pamilya? Bakit ako hindi ba ako magkakapamilya? Sana naging pantay ka lang sa lahat kase umpisa nang maging lider ka na isa lang ang iniisip mo, ang sarili mo Eulexis.”
“Hindi yan totoo,” saway ni Eulexis.
“Hindi mo yun mapapansin kase sarili mo yan, malamang ipagtatanggol mo yan.” Agad na hinila ni Kaden muli si Edriana na tulala paren sa nangyare.
“Saan ka ba pupunta Kaden?” tanung ni Eunice.
Huminto sandali ang dalawa saka nagsalita si Kaden saka muling naglakad, “aalis na ako sa Illustra, buo na ang desisyun ko.” Lahat nang na doon ay hindi man lang napigilan ang gustong mangyare ni Kaden, dahil gulat na gulat ito sa sinabe ng binata.