BLOOD 64
TAHIMIK lang si Edriana sa tabi ni Kaden habang sumasabay siya sa kamag anak ng binata sa almusal, tanging ingay lang ng plato at kutsara ang maririnig. Hinandaan din si Edriana ng makakain para sa mga mortal, pagkatapos ipakilala ni Kaden at ikwento ng binata ang lahat saka naman muling natahimik ang mga ito.
"Edriana, pwede ba kitang tawaging ate katulad ng tawag ko kay ate Camille?" Tanung ni Lexi.
Bahagyang na bigla si Edriana dahil wala namang nagsasalita sa kanila kanina pa, animoy binasag lang ni Lexi ang katahimikan na bumabalot sa kanila. Na kilala din lahat ni Edriana ang mga bawat miyembro ng Otis na kaharap niya ngayun. Ang iba namang na andoon ay hindi na lamang pinag tuunan ng pansin si Lexi, ngunit binigyan naman siya ng ngiti ni Edriana sa nakaka batang kapatid ni Kaden.
"Pwede naman, pwedeng pwede."
"Thank you, ate Edriana."
"Walang anu man," saka muling nagpatuloy ang dalawa sa pagkain.
May bigla namang naalala si Lexi, "alam mo ba kong tao pa si ate Camille, baka tatlo kayo nila tito Kenneth na kumakain ng mortal na pagkain."
"Huh?" Bulalas ni Edriana, nagkatinginan naman ang lahat na andoon. Gulat na gulat si Edriana dahil hindi niya alam ang totoong katauhan ni Camille, napa sulyap si Edriana sa asawa ni Eulexis na parehong tahimik habang kumakain. "Anung ibig mong sabihin, na tao pa dati si Camille?"
"Yeah, kase ganito yan---"
"Marlexi," saway ng ina nilang si Eunice.
"Anu?" Nagkatinginan ang lahat, pakiramdam ni Edriana hindi siya welcome sa mansyon na yun at lalong lalo na sa pamilya na yun. Tumahimik na lamang muli ang lahat, lalong tumigil si Lexi ng bigyan ng masamang tingin ni Eunice.
Napa higpit ang kamay ni Edriana sa ilalim ng lamesa, na pansin din naman ni Kaden ang dalaga kaya hinawakan niya ang kamao nito para umayos ang kamay nito. Hindi man naka tingin si Edriana kay Kaden ngunit nararamdaman ni Edriana na pina pa gaan lamang ang pakiramdam nito.
Napa isip si Kaden na mauna na silang umalis, kaya nang mapa tayu ang binata ay napa tayu din si Edriana dahil magkahawak ang kanilang kamay. "Mauna na kami, mama pwede ko bang ipasyal si Edriana sa loob ng mansyon?"
Ngumiti naman si Eunice, "pwede."
Agad nang pumasok ang dalawa sa loob ng mansyon para iwan ang iba pa sa labas, "ayus ka lang ba?" Naglalakad na sila sa hagdan paakyat sa silid aklatan na madalas puntahan ng binata.
"Ayus lang naman ako," sabay ngiti ni Edriana kay Kaden.
"Sinungaling."
Nagulat naman si Edriana sa sinabe ni Kaden kaya agad itong napa sulyap sa mukha mismo ng binatang kasama nito ngayun. "Huh?"
"Kilala na kita kong nag sisinungaling ka o hindi, kahit sabihin mo ng diretso nararamdaman kong hindi ka nagsabe o hindi. Sa maikling panahon na magkasama tayu sa mundo ng mga mortal." Huminga ng malalim si Edriana, sandaling napa ngiti ito at lalo na nang maramdaman niya ang mabilis na t***k ng puso sa mga sinabe ni Kaden sa kanya.
"Sorry Kaden pero nararamdaman ko kaseng hindi ako kailangan dito sa inyo, siguro uuwi na lang ako." Malungkot na panayam ni Edriana, hinawakan naman ang magkabilang pisngi ni Kaden ang dalaga.
Hindi man maintindihan ni Edriana kong bakit biglang naging malapit lalo sa kanya si Kaden, ngunit gustong gusto niya yun, gustong gusto yun ng pakiramdam niya na malapit sa kanya ang binata, gustong gusto niya na hinahawakan siya ng binata, lalo na ngayun.
"Hindi ah, ganyan lang sila kase---"
"---kase ngayun lang uli sila naka harap ng mortal na katulad ko."
Napa bitaw si Kaden at hinawakan uli ang kamay ni Edriana. "Halika na, kailangan mong makita ang silid aklatan."
"Ayoko," saka bumitaw si Edriana sa pagkakahawak kay Kaden. "Gusto ko nang umuwi," hindi maiwasang maging malungkot ang boses nito.
"Oo na, oo na. Ikwento ko na sayu lahat, kase alam ko yun ang bagay na kina ka ganyan mo ngayun."
"Ok fine, kilala mo nga talaga ako." Sabay naghalukipkip si Edriana sa kanyang dibdib.
Napa ngiti naman si Kaden saka muling kinuha ang kamay ni Edriana, nag umpisa nang nagkwento ang binata, lahat-lahat, gustong maging bukas sa lahat na bagay si Kaden sa dalaga. Natigilan si Edriana lalo na ang tungkol kay Camille at Kaden noon. Natapos ang pagkwento ni Kaden at tumuloy na sila sa silid aklatan na hindi paren mawala sa kanyang isipan ang tungkol kay Camille.
Kong anu-ano naman ang pinapaliwanag ni Kaden na hindi gaanung maintindihan ni Edriana dahil puno ng pagtatanung ang dalaga sa kanyang isipan. Kong may gusto pa ba si Kaden kay Camille o kaya kong may gusto din ba si Kaden sa kanya. Hindi niya namalayan na nasa likod na niya ang binaya habang naka harap siya sa mga libro at naka hawak pa ang isang kamay nito sa mga yun.
Naramdaman lang niyang may naka dikit sa kanyang likod ng harangan ni Kaden ang magkabilang gilid niya ng mga braso nito. Kaya pagharap niya halos ilang danggal na lang ang layu nila sa isa't isa, hindi siya gaanung maka hinga lalo na ng makita niya ng malapitan ang nakaka lulang mga mata ng binata. Sumandal lalo ang mga likod ng dalaga ng lalo pang lumapit si Kaden sa kanya habang nasa ganoon paren silang posisyon.
"Hindi ko na itatanung, alam kong hindi ka ayus." Aniya ng binatang si Kaden.
"Wag ka nga umasta na para bang kilala mo na talaga ako, pagod na ako kaya gusto ko nang umuwi sa amin." Ayaw man magsuplada ng dalaga kay Kaden ngunit hindi niya mapigilan mainis lalo na't naka harap niya si Camille kanina.
Napaka bait at maalalahanin, mga katangian na wala siya na kahit sinung lalaki gugustuhin na maging asawa ang ganung babae. Hindi niya alam na lahat ay may kakaibang katangian ngunit nangibabaw paren sa kanya ang inis at inggit.
"Anu bang nangyare sayu?" Kunot noong tanung ni Kaden kaya bahagyang napa bitaw si Kaden kaya yun naman ang pagkakataon ni Edriana para maka wala sa binata.
Bahagyang lumayo ang dalaga, "ikaw! Anung problema mo, anung nangyayare sayu? Bakit ka ganyan, bakit ka ganyan sa akin?"
"Anung nangyayare sa akin, wala namang nangyayare sa akin?" Sabay harap ni Kaden kay Edriana, ngunit napaka layu na nila sa isa't isa. Nasa pagitan nila ang napaka lawak at napaka laking bintana na bukas ang kurtina kaya kita ang labas nito.
Sa mga oras na yun dapat pinag mamasdan nila ang kagandahan ng buong paligid ngunit sa pagkakataon na yun iba ang nangyare, "yan," bahagyang humina ang boses ni Edriana dahil pinipigilan niyang maging emosyunal.
"Ikaw ang hindi ko maintindihan, ang ayus natin kanina pero bigla kang nagkakaganyan. Wala naman ang ginawa sayu, pero bigla kang naging ganyan."
"Boys are clueless," aniya ni Edriana.
"Paanung wala akong malalaman samantalang wala ka namang sinasabe sa akin, paanu kita maiintindihan, kong hindi mo pinapapa intindi sa akin ang lahat." Hindi maintindihan ni Kaden ang gagawin niya.
"Hindi sa lahat ng oras kailangan kong sabihin, ikaw dapat pinag aaralan mo." Lalo pang umangat ang inis ni Edriana sa mga oras na yun, gusto niyang isigaw kong anu nga bang nararamdaman niya ngunit natatakot siya sa magiging reaksyon ng binata.
Umatras ng bahagya si Edriana kaya natumba siya sa sahig, dahil hindi niya na pansin na tanggal na ang taling sintas ng sapatos niya para matapakan niya, doon sumabay ang bagsak ng luha niya. Umupo din si Kaden para tulungan ang dalaga ngunit nagmatigas ang dalaga, "lumayo ka wag kang lalapit sa akin."
Nahihirapan na ang dalaga sa kalagayan niya ngunit nahihirapan din ang binata kong anu nga bang dapat gawin sa mga oras na yun. "Edriana anu bang nangyayare sayu?"
"Para kaseng may mali, bigla kang bumait samantalang hindi ka naman ganyan dati sa akin. Napaka tahimik mo dati pero ngayun kaya mo nang magdaldal samantalang ako lang ang madaldal sa atin, nahihirapan akong intindihin kong anu ba yang pinapakita mo sa akin, nahihirapan ako lalo na't nalaman kong may iba pa lang babaeng nagpatibok ng puso mo na andito pa siya, nahihirapan ako kase yung nararamdaman ko sayu hindi ko maintindihan."
Bahagyang na gulat si Kaden sa mga sinabe ni Edriana ngunit tumahimik siya at hinintay kong anu ba ang susunod na sasabihin ng dalaga. "Kaden may gusto ako sayu," saka nagtago si Edriana sa mga braso niyang na naka patong sa mga tuhod niya para maitago din ang iyak.
Naka titig lang si Kaden sa dalaga at gusto sanang ipaulit sa dalaga kong anu ba ang sinabe nito. Tinatanung niya sa kanyang sarili kong totoo ba ang narinig niya o hindi lang malinaw dahil humahagolgul ang dalaga. Napa ngiti siya, para sa kanya paranh hindi niya siya mahihirapan na ipagtapat din kong anu nga ba ang nararamdaman niya sa dalaga.
Lumapit na siya sa dalaga at inayos ang sintas ng sapatos nito. Nang matapos yun saka naman siya nagsalita, "ngayun alam ko na kong bakit ka ganyan."
"Alam ko din na pinag tatawanan mo ako," saad ni Edriana habang naka tago paren.
Huminga ng malalim si Kaden bago ipag patuloy ang gusto ding sabihin niya sa dalaga. "Oo may gusto ako kay Camille dati, pero hindi na ngayun. Wala na siya sa akin, kapatid na lang ang turing ko sa kanya katulad ng turing niya sa akin. Alam mo ba na tutuwa ako dahil ikaw ang nagturo sa akin na magmahal ng iba, na hindi pa huli ang lahat."
"Sa una, oo nalilito din ako sa nararamdaman ko, kong bakit kailangan nasa tabi mo ako palagi saka ko lang na realize na may gusto na pala ako noon sayu, nagmamatigas lang ako na hindi na ako magmamahal pang muli dahil lang sa isang kasawian, pero iba ang naramdaman ko sa tuwing makikipag usap ako sayu o kaya makikipag talo."
Natigilan si Edriana at gulat na gulat sa mga naririnig niya kaya agad na napa angat ang mukha niya. Saktong nagka titigan ang kanilang mga mata, andoon naman ang bilis ng t***k ng puso niya. "May gusto ako sayu, hindi na yun maitatago kong bakit ako palaging nasa tabi mo. Sabihin mo nang nakaka takot pero kong saan ka man magpunta nung makilala kita palagi akong na andoon, mas gusto kitang bantayan pag tulog ka at least nakikita ko ng malapitan ang mukha mo."
Saka lang naalala ni Edriana na palaging bukas ang pinto sa terrace sa tuwing magigising siya o kaya'y hindi naka lock, "pero mahal na kita ngayun."
"A---anu---" hindi na ituloy ni Edriana ang sasabihin niya ng hawakan ni Kaden ang magkabila niyang pisngi, sa bilis ng pangyayare, naramdaman na lamang niya ang malambot na labi sa kanyang labi.
Hindi siya makapaniwalang naglapat ang labi nila, laking laki ang mga mata niya, nabato at tanging kabog ng dibdib ang naririnig niya. Hindi niya alam na ganun din ang binata sa kanya, na napaka saya din pala ng pakiramdam ng ang nilalang na gusto mo ay gusto ka din.
Sumasabog sa kasiyahan ang puso niya, dahan-dahan bumaba ang mga mata niya para namnaman ang nangyayare, umangat naman ang mga kamay niya ng kosa para mapunta sa mga buhok ng binata. Nang mangyare yun, unti-unti gumalaw ang mga labi ni Kaden na agad naman sinagot ni Edriana, hindi maiwasan ng binata na mapa ngiti sa pagitan ng mga halik nila.