DEATH 130 HINDI makapaniwalang maglalakad si Lexi patungo sa altar na may ibang lalaking naghihintay sa kanya, wala siyang magawa, pagkatapos ng pag-uusap nila ni Mc agad siyang pina bihisan, apat-apat ang nagtutulong para lang mabihisan siya. Nakasuot siya ng puros itim na gown na may manipis at kita ang balat niya sa ilalim ng nakatakip na tela sa mahaba niyang braso, may naka takip sa kanyang mukha na itim na veil, pakiramdam niya ililibing na siya at hawak din niya ang maiitim na rosas ngunit hindi ito bulok. May nakakatakot na tunog na nang gagaling sa piano at violin na isang tugtog pangkasal habang naglalakad siya. Puros itim ang makikita sa kasalanan na ginanap sa isang hardin, mula sa mga suot ng mga hindi niya kilalang bisita at sa mga ginamit sa kasal. Napaka dilim din ng pa