DEATH 129 NAHINTO sa kakasigaw si Lexi nang marinig niya ang pagbukas ng pinto at naramdaman niyang paglubog ng kanang parte ng kama, hudyat na may katabi siya. "Tulungan ninyo ako!" Nararamdaman niya ang paglapit ng isang katawan sa kanya, pati ang dalawang kamay na tinatanggal ang tali sa kamay niya, sumunod naman ang isa. Naka kalas na ang dalawa niyang kamay kaya nagmadali siyang tinanggal ang piring sa mata, nakikita niyang tinatanggal ni McKenzie ang tali sa magkabilang paa niya. Naalala na naman niya kong paano siya sapilitang dinala kong saang lugar ng kaibigan. Agad siyang umupo at siniksik sa dulo ng kama ang katawan habang yakap ang mga tuhod na naka tupi. Nakatingin lang si Mc sa dalaga na may malungkot at nag-aalalang mukha. "Hindi ko gustong takutin ka," mariin na saad ni