Blood 60

1420 Words
BLOOD 60 "Hello, Ed. Kong matanggap mo yung tawag ko pwede bang magtext ka o mag private messages ka sa f*******:. Hindi ka naman umattend ng halloween party, sayang ang saya pa naman. Sana ayus ka lang dyan, sana naka move kana sa nangyare. Alam mo kahit ako na hihirapan, lalo na makita kang ganyan. Andito lang ako kong kailangan mo ng makaka usap. Sembreak na rin, ingat ka kong na saan ka man." Pinakikingan lang ni Edriana ang voice mail ng kaibigan si Paolo hanggang sa matapos ito, gusto man niyang makipag usap o makipag kita sa kaibigan ay hindi niya magawa. Nang matapos ang napaka gulo pero nakapa sayang isang buwan nang makilala niya si Kaden, ngayun na lamang siya na lungkot ng ganun na animoy ayaw na niyang lumabas ng bahay nila. Hindi din niya maintindihan ang sarili, parang hindi niya kilala ang sarilu at naninibago. Gusto man niyang labanan ngunut hindi niya magawa. Apat na araw ang nagdaan at pumasok na rin ang sembreak, hindi na muli pang lumabas ng mansyon nila si Edriana. Apat na araw na din ang naka lipas ng simulang hindi na niya makita si Kaden, pa minsan-minsan ay napapa tulala siya sa terrace kong saan alam niyang madalas doon pumasok ang binata at kukulitin siya sa palaso, ngunit wala na ito. Kailangan na niyang sanayin na ang sarili niya, ngaunit animoy hinihila siya ng kama at ang tamad niyang katawan na maghintay ng kong anung pwedeng mangyare. Naka tanggap din siya ng mensahe na uuwi ang kanyang ama sa darating na araw kasama ang kaibigan nito sa katrabaho at iilang miyembro nito sa pamilya. Umupo siya sa kama at saka kinuha ang itim na notebook na nasa tabi niya. Sa loob ng apat na araw naka sulat siya ng iilang bagay at tungkol sa pagka ulila niya sa binata. Kinuha niya ang ball pen at saka muling nagsulat, bago niya ito muli itago nang matapos niya, binasa na muna niya ito sa kanyang isipan. 'Hayyy, ang sakit pala sa utak sa pag iisip sa immortal na yun. Babalik pa kaya siya? Tingin ko hindi na, anu ba yan tanung ko sagot ko din, nababaliw na ata ako. Pero sa totoo niyan na mimiss ko na siya, na mimiss ko na yung pagiging seryoso niya, pag pinapagalitan niya ako at yung oras na suplado siya. Nakaka miss, gusto ko na siya uli makita. May gusto na ata ako sa kanya, pero alam ko pagkagusto lang pero kong umakto ako parang mahal ko na siya, ang oa ko... Puso, kailan ka ba titigil?' Napa buntong hininga siya at muling sinara ang notebook, saka ito tinago sa kabinet na katabi ng kanyang kama. Sa pagkakataon na yun minabuti niyang lumabas ng mansyon at magpalamig, para naman maibsan ang lungkot na nararamdaman niya. Pero isa lang ang naramdaman niya ng mga oras na naka lapas siya, animoy may naka tingin na pares ng mga mata. Hindi siya na takot, bagkus nakaramdam siya ng tuwa kahit papaanu. Alam na niya kong sinu ang babantay sa kanya ng mga oras na yun, "Kaden," bulong niya.   LAHAT ng nalaman ni Kaden habang nasa labas siya ng Illustra ay pina alam niya sa Otis lalo na sa mga magulang at bagong lider na si Eulexis. Gulat na gulat ang lahat lalo na sila Eunice at Dylan kong saan mas nakaka kilala kay Violet, agad silang pumunta sa mansyon ng mga Jimeñez kong na saan si Violet, doon pinag tapat nila kong anu ba ang tunay na nangyare sa anak nitong si Ian. Hindi inaakala ni Violet na magagawa yun ng anak niya ngunit hindi siya maghihiganti sa nangyare, alam na niya ang tama at mali. Ngunit nangungulila paren siya sa pagkawala ng anak, na iintindihan naman nila Dylan, humingi din sila ng paumanhin kay Violet sa nangyare. Sa mga oras na yun pinag tatalunan ng mga Otis at Council, ang gustong batas at pagbabago ng mga Otis. Lahat ay naka upo sa palibot ng bilog na lamesa at may awang sa gitna para sa kina uupuan naman ni Eulexis na ngayun ay naka tayu. Simula ng malaman niya ang mga nangyayare, minabuti niyang baguhin na ang isang batas sa Illustra. "Anung sabe mo Mr. Otis, na gusto mong tanggalin ang grupo ng bawat pangkat ng lipunan natin?" Tanung ng kaseng edad ni Eulexis na isang council. Maliban sa kanya na doon din ang magulang niya at dalawa pang lalaki sa kanila. Huminga ng malalim si Eulexis, alam niyang ginugulat siya ng mga ito, ngunit sanay na siya ilang beses na siyang nakipag talo sa mga council. "Oo, gusto kong tanggalin ang pangkat. Gusto kong malayang makaka pamuhay ang bawat nilalang sa Illustra at bubuo ng sarili nilang pangalan sa bawat pamilya. Gusto kong wag na silang pumili sa mga natitirang angkan na meron tayu, gusto kong maging pantay-pantay. Sa nangyayare kase ngayun habang may pinaka mataas na angkan ang nabubuhay sa Illustra, andoon paren ang paghahangad ng ibang angkan na sila naman ang mamuno, nagiging masama sila sa pag iisip sa bagay na yun." "Kaya kong mamarapatin ninyu, gusto kong pumayag kayu sa pagbabagong gusto kong mangyare." "Pero imposible yang gusto mong mangyare, kahit na gusto mong pantay-pantay lang may isang pamilya ang dapat nagpapatuloy ng isang Royal Line." Aniya naman ng isang lalaking miyembro ng council. "Sa bagay na yan, gusto kong ibalik sa Jimeñez ang Royal Line." Lalong nagkabulungan ang lahat ng miyembro ng council sa sagot ni Eulexis. Kaya ito ginagawa ng mga Otis dahil alam nilang lahat ng ibang angkan lalo na ang mga natanggal ay gusto silang pabagsakin. Natatakot si Eulexis na may mabuong gyera na naman sa Illustra, lalo na't magkakaroon na sila ng anak ni Camille, ayaw niyang madamay ang pamilya niya, manganganak na rin ang kanyang asawa pagkatapos ng ilang buwan na hinihintay nila. Nagsitigil naman ang lahat at saka nagsalitang muli ang pinaka lider ng council na isang babae. "Hindi pwedeng ibalik ang Royal Line sa Jimeñez, kong na doon pa ang ina mong si Eunice maaring mangyare yun, pero nasa Otis na siya kaya ang magpapatuloy ng Royal Line hanggang ngayun ay ang Otis Clan. Pero sa gusto mong mangyare, pag uusapan namin ng lahat ng council, hindi paren malinaw sa iba ang gusto mong mangyare. Sa ngayun, tapos na ang pag uusap na ito." Hindi siya nanalo sa pagkakataon na yun, sumabay na lamang si Eulexis sa pamilya niyang lumabas. Agad siyang inakbayan ng ama niyang si Dylan. "Maayus din ang lahat anak, sa ngayun kailangan mo ng magpahinga, ilang linggo munang hindi nakaka sama ang asawa mo, kailangan mo rin yun." Yun din ang isang bagay na kina mamadali niyang matapos ang lahat, hindi niya naka sama ang asawa niya dahil kailangan niyang mag aral ng mga batas na meron sila. Ngumiti naman siya sa kanyang ama, "salamat po." "Kong ako sayu bilhan muna rin siya ng prutas na paborito niya," saad ni Eunice. "Sige po," tuwang sagot ng binata. Naglalakad sila ng mapansin ni Sid na tulala ang kanyang kakambal na si Kaden, apat na araw pa lamang ito sa Illustra at ang iilan sa mga sugat nito ay pagaling na. Ngunit ang ka pansin-pansin dito ay sa pagiging lalong tahimik nito kaya agad siyang lumapit kay Kaden. "Ayus ka lang ba?" Tanung ni Sid ngunit parang hindi ito narinig ni Kaden. Nag isip pa ng ibang bagay para magising ang diwa ng kapatid niya, madalas din niya itong marinig sa kapatid pag tuwing tulog lalo na't iisa lang ang kanilang kwarto. "Si Edriana," nabuhaya si Kaden at biglang nag palinga linga sa paligid. "Na saan? Na saan?" Hanggang sa maisip niyang nasa Illustra paren pala siya kaya imposible maka pasok doon si Edriana. Agad siyang sumulyap sa kapatid, isa lang ang tanung sa isipan niya. "Paanu mo na laman?" Habang naka kunot ang noo nito. Halos matawa naman si Sid sa reaksyon ng kapatid niya, "imposibleng hindi ko malaman, sinasabe mo yun pag nanaginip ka siguro. Sinu ba yun?" Nag init naman ang pisngi ni Kaden, "wala yun, baka guni-guni mo lang. Hindi ako nagsasalita pag tulog ako." "Bakit alam mo ba ang nangyayare sayu kong tulog ka? Akala ko ba mas matalino ka sa akin, Kaden? May hindi ka ba sinasabe sa akin?" Alam ni Sid kong kailan kailangan niyang damaya ang kapatid niya. Hindi na rin nagawa pang itago ni Kaden ang sikreto niya, kahit din siya nagugulahan siya kong anung nangyayare hanggang sa ikwento niya ang lahat sa kakambal habang naglalakad sila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD