Blood 61

1132 Words
BLOOD 61 NANG matapos ikwento ni Kaden ang lahat kay Sid, nag isip naman ito ng bagay kong bakit nangyare yun sa kanyang kakambal. "Ang sabe mo sa akin, hindi mo intindihan ang sarili mo dahil alam mo nang matatapos muna ang lahat pero minabuti mo pareng nag isip ng bagay na magkaroon kayu ng pagkakataon para magkasama, kaya ang pag iwan mo ng palaso sa kanya at pagbanta ay kasama sa plano?" Tumango tango naman si Kaden bilang pag sang ayun, "isa lang ibig sabihin nun. Gumagawa ka ng bagay para maka sama siya, kase may gusto ka sa kanya." Natigilan si Kaden at saka umiling iling, "hindi yun maari." "Anung hindi, wag mo sabihin sa akin na may gusto ka paren kay Camille hanggang ngayun." Napa titig lalo si Kaden kay Sid, "hindi mo man sabihin, nararamdaman ko yun, hindi man tayu totally magkahawig kahit na kambal tayu, magkadugtong naman ang buhay natin, kaya alam ko kong anung nararamdaman mo at nangyayare sayu." "Alam kong nahihirapan ka kay Camille noon, pero alam ko din na naka move on kana sa kanya lalo na't mag asawa na sila ni Eulexis. Alam kong naghilom na ang sugat dyan sa puso mo, pero kong magmamatigas ka na hindi ka nagkakagusto sa isang yun, baka masaktan ka uli. Minsan kase dapat magkasabay na gumagana ang puso at utak para malaman mo kong anu ang totoo." "Hindi naman mahirap sumubok ng bago lalo na kong hindi ka matatakot sa pwedeng mangyare, lahat yan magkakasama, kong ako sayu susundin ko kong anh ang gusto ko, pakinggan mo rin ang puso mo minsan para hindi ka na uubusan." Napa ngiti naman si Kaden sa kakambal, hindi niya alam kong paanu nakuha ni Sid ang lahat ng sinabe nito sa kanya ngunit nalinawan siya ng kaunti sa mga bagay-bagay. Hindi niya kailangan magkailang may gusto siya kay Edriana kahit sandaling panahon lang sila nagkita. "Salamat." "Naku wala yun, andito ako palagi." "Kadiri ka alam mo ba yun," saad ni Kaden kay Sid, saka lang nagbigay ng tawa si Sid sa sinabe ng kakambal. "Pero teka lang, wala ka sa Illustra paanu ka magkakagusto sa isang babae?" Pagtataka ni Sid. Doon lang na isip ni Kaden na hindi normal na magkagusto siya sa isang tao, katulad ng nangyare kay Eulexis at Camille. Pero ayaw niyang may tinatago siyang iba, "hindi siya taga rito." "Anu?" Naguguluhan paren si Sid hanggang sa maisip niya ang isang bagay. "Wag mong sabihin na isa din yang mortal?" "Oo." Napa sapo si Sid ng marinig ang sagot ni Kaden, "bakit ngayun mo lang sinabe? Seryoso ka ba?" "Mukhang babawiin mo yung mga sinabe mo kanina ngayung alam muna." "Hindi, bakit hindi mo subukan?" "Pwede bang umalis muna ako, gusto ko---" "Gusto mo siyang makita, sige ba. Papaalam pa ka pa, ang laki muna kaya." "Salamat uli," saka nagpaalam si Kaden sa mga kasama na aalis siya ngunit silang dalawa lang ng kakambal ang nakaka alam. Agad siyang nakarating sa lagusan palabas ng Illustra, huminga na muna siya ng malalim. Sa tuwing lalabas siya isang bagay lang ang iniisip niya ang makarating sa lugar kong saan siya madalas na tambay, dahil may kapangyarehan ang lagusan ng Illustra na ilabas ka kong saang lugar mo gustong pumunta. Inisip niya agad ang bahay nila Edriana at saka siya dahan-dahan humakbang palabas ng Illustra. Nagkaroon ng kakaibang hangin sa lugar na una niyang tinapakan. Nagtataasan na puno ang una niyang nakita, mga punong naka paligid sa buong mansyon nila Edriana. Naglakad-lakad siya sandali, bago tuluyang nakita ang liwanag palabas papunta sa mismong mansyon. Ang lakas ng t***k ng puso niya, hanggang sa maka labas siya una na niyang nakita si Edriana na kalalabas lang din ng mansyon. Napa ngiti siya nang makita ang dalaga, gusto niyang lumapit ngunit minabuti niyang magtago sa mga puno habang tinitignan ang dalaga. Ilang minuto siyang na andoon hanggang sa minabuti niyang bumalik muli sa Illustra, hindi naman siya pinansin ng mga tao sa mansyon nila hanggang sa kunin niya ang mga gamit niya pang laban. Gusto na talaga niyang makipag kita sa dalaga at maka usap. Lumabas muli siya ng Illustra ngunit isa lamang ang nagbaka sa kanya, boses ng mga tao sa paligid ng gubat na nilabasan niya. Napaka dilim sa lugar dahil sa gabe na at agad na nagtago sa punong malapit sa kanya. "Anung gusto mong sabihin Art?" Tanung ng boses lalaki at halatang matanda na ang may ari nito. "Totoo ang sinasabe ko, si Edriana ang anak ko ang nagkwento sa akin na may kakaibang nilalang na andoon sa gubat na pinuntahan namin dati para mangaso. Kong ako sayu kailangan nating pumunta doon, baka yun na yung hinahanap natin." Sandaling katahimikan ang namayani sa buong lugar at naglakad pa ng mas malapit sa puwesto ni Kaden ngunit hindi nila alam na may iba pang nakikinig sa kanilang pag uusap. "Wag mong sabihin na aswang ang nakita ng anak mo." Natigilan si Kaden at bumilis ang t***k ng mga oras na yun. Napa atras siya ng kaunti, sa dami ng mga tuyong dahon sa lupa naka gawa siya ng ingay kaya agad na hinanap ng dalawang nag uusap kong saan nang galing ang ingay na yun. Lalong bumilis ang puso niya nang marinig ang isang putok ng baril, may mga hawak palang shut gun sa pangangaso ang dalawang nag uusap. "Sinu na andyan?!" Sigaw ng isa pang kasama nito. Nawala sa isipan ni Kaden na pwede siya muling bumalik sa Illustra ngunit pag ginawa niya yun malalaman ng dalawang makaka kita sa kanila kong saan nagtatago ang lahat ng immortal. Kaya mas minabuti niyang tumakbo palayu sa mga ito, mabilis ang takbo niya ngunit hindi paren ito naka iwas sa dalawang may mga baril. Agad na pinag babaril kong saan papunta si Kaden, takbo siya ng takbo hanggang sa maka layu siya. Hingal na hingal na siya, unang pagkakataon na hiningal siya sa pagtakbo hanggang sa maka hinto siya sa isang madilim na lugar at malayu na sa mansyon. Doon niya naramdaman ang kirot at natumbas siya sa lupa. Kinapa kapa niya ang katawan kong saan ang kirot na nararamdaman niya, hanggang sa mapa singhal siya sa paghawak sa kanyang likod sa ibabang bahagi. Minabuti niyang maka layu pa ngunit hindi niya magawa, kumakapang na siya sa lupa at pinag papawisan ng malamig. Hindi niya inaasahan na matatamaan siya ng bala, hindi niya inaasahan na pwedeng mamatay siya sa kahinaan nila, dahil sigurado siyang ang bala ay gawa sa pilak, na bawal sa lahat ng  mga katulad niya. Unti-unti sinusunog ang balat niya at loob ng katawan kong saan tumama ang bala. Pilit niyang gustong matanggal ang bala ngunit sa tuwing hahawakan niya ang sugat animoy milyong milyo kirot ang tumatakbo sa kanyang katawan animoy ayaw na niyang mabuhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD