BLOOD 62
NAKA handa na ang lahat ng pagkain sa hapag kainan ng mag si datingan ang mga bisita ng kaibigan ng ama ni Edriana lalo na ang anak nitong napaka tahimik na may pangalan na Minchi. May mga dala din itong bodyguard kaya lalong na dagdagan ang tao sa buong mansyon. Hindi man naka uwi ang ina ni Edriana, kahit papaanu ayus na sa kanya na andoon ang ama niya.
Katatapos lang din mangaso ng ama niya at ang kaibigan nito. Napaka tahimik naman ni Minchi habang katabi ni Edriana. Sabay-sabay silang kumakain ng sabaw na paunang pagkain sa oras na yun.
Nagtatawanan ang mag kaibigan lalaki hanggang sa marinig ni Edriana ang kwentuhan ng mga ito, "kong talagang hayop yun di sana nahuli na natin yun," aniya ng ama niya sa kaibigan nito.
Napa sulyap naman si Edriana sa dalawang magkaibigan at lalong nakinig sa pag uusap na yun. "Sana nga, pero alam ko natamaan ko yun baka naka takbo lang ng mabilis."
Kanina pa kinakabahan si Edriana ngunit lalo siyang kinabahan nang marinig ang kwentuhan ng dalawa. Kanina lang habang nasa labas siya pakiramdam niya binabantayan siya ni Kaden, pero hindi maalis sa kanyang isipan na si Kaden nga ang napansin ng ama niya at kaibigan nito.
"Hindi yun maari," bulong niya, hindi naman niya na pansin na napa sulyap si Minchi sa kanya na malalim din ang iniisip. Nagpatuloy lang sa pagkwentuhan ang dalawa hanggang sa matapos ang hapunan na yun.
Agad na dumiretso si Edriana sa kanyang kwarto para makapag pahinga, ngunit hindi niya magawa kahit na ipikit man lang ang mga mata. Bumalikwas siya ng bangon saka kumuha ng bag, nilagay niya doon ang baril na binigay sa kanya ng ama, flashlight, cell phone niya, nagpalit din siya ng damit at nang matapos siya doon saka naman niya nilock ang pinto ng silid niya.
Na isip niyang hindi siya maaring dumaan sa pinto at maraming makaka pansin sa kanya. Kumuha siya ng mga kumot at pinag tatali ito sa dulo para maka buo ng animoy panali. Lumabas siya ng terrace dala ang napaka habang kumot. Tinali niya sa isang poste ng railings ang kumot na pina ikot doon ng tatlong beses at saka tinali ng mahigpit.
Ilang beses din niyang sinubukan ang tibay nito sa pamamagitan ng paghila. Huminga na muna siya ng malalin bago tuluyang tumapak sa labas ng railings. "Kaya ko toh," doon dahan-dahan siyang nag padaosdos pababa hanggang sa dire-diretso siya at hindi na makontrol ang pagbaba niya.
Kahit na dalawang palapag ang kanyang babagsakan hindi paren niya maiwasang hindi kabahan, unang bumagsak ang puwet niya sa lupa, dahil doon bahagya siyang napa singhal, hindi na lamang niya ininda ang sakit at diretsong naglakad hanggang sa maka pasok sa gubat na malapit lang sa kanila.
Tanging flashlight lamang ang dala niya, mabilis din ang paglalakad niya at maririnig ang bawat hakbang niya sa mga tuyong dahon na nagkalat sa buong lugar. Isang oras na siyang naglalakad, ngunit hindi niya alintana ang pagod at pawis na kumakalat sa noo niya.
Wala siyang ideya kong saang banda ang lugar na yun hanggang sa marinig niya ang nga kaluskos sa paligid niya. Nahinto siya sa kanyang puwesto, palinga linga sa paligid, "Kaden," gusto niyang isigaw ang pangalan ng binata ngunit mahina ito dahil sa pagod.
Dahil din doon na aamoy niya ang dugo sa buong paligid. Doon na siya lalong kinabahan lalo na ang sunod-sunod na kaluskos sa paligid. "Kaden!" Naglakad pa siya at sinundan kong saan nang gagaling ang ingay na yun.
Hanggang sa huminto na siya sa isang puwesto dahil sa paghagip sa gilid niya ang mabilis na hangin, bigla na lamang dumugo ang gilid ng pisngi niya, paglaglag ng iilang hibla ng buhok, tumama ang palaso sa puno da bandang likuran niya. Naka tutok din sa kanya ang sandata ng binata at naka tutok naman ang ilaw na hawak niya sa galit na mukha nito.
Nanginginig ang buo niyang katawan dahil sa nangyare, hindi niya inaakalang gagamitin ito sa kanya ng binata, hindi niya alam kong talaga bang galit ito sa kanya, iniisip niya din kong inakala lang ng binata na nagkamali lang ito.
"Umalis kana dito!" Nanginginig din ang buong katawan ng binata dahil sa nararamdaman niya ngunit pinilit niyang tumayo. Halata sa boses niya ang pang hihina, maglalakad pa sana ang dalaga papalapit sa kanya ngunit lalo niyang tinaas ang sandata niya.
"Lumayo ka sa akin, wag kang lalapit! Traydor ka!"
Hindi maintindihan ni Edriana ang kinikilos ng binata, "anung ibig mong sabihin?"
"Wag kang mang magmaang-maangan! Narinig ko sa papa mo na sinabe mo sa kanya ang tungkol sa akin."
"Wala akong sinasabe na tungkol sayu o anu man sa mga lahi ninyu. Kahit kailan naging tapat ako sayu, wala akong ginawa para hindi mo pagkatiwalaan."
"Sinungaling ka!" Bulyaw muli ng binata.
"Wala akong ginawa, hindi ako sinungaling at hindi ako traydor!" Hindi na rin maiwasang mainis ni Edriana sa mga oras na yun.
"Narinig ko, sabe mo sa papa mo na may nakita kang nagbanta siya noon nung una tayung nagkita kong bakit kayu agad na umalis sa gubat habang nangangaso."
Biglang naalala ni Edriana ang unang araw na nagbanta si Kaden sa kanya, "huh?"
"Sabihin mo na totoo ang lahat."
"Totoo nga ang lahat," aniya ni Edriana.
"Sinasabe ko na nga ba," kaya lalo pang tinaas ni Kaden ang sandata naghihintay ng tamang hudyat para patamaan ang dalaga.
"Pero nung unang araw ko pa yun sinabe sa kanya na nagkita tayu, pero lahat ng nangyare sa atin habang wala siya dito, wala na siyang alam doon. Hindi ko alam kong bakit nila yun pinag kwentuhan, pero ang alam ko hanggang doon lang yun, ako lang ang nakaka alam tungkol sayu at sa lahi mo."
Hindi na napigilan pa ng dalaga ang pang hina at natumba na siya sa lupa, doon na bitawan din niya ang hawaka kaya agad siyang nilapitan ni Edriana. Unang kinuha ng dalaga ang sandata nito at saka tinulungan maka tayu ang binata sa lupa. Ang bilis din ng paghinga ng binata, animoy hinahabol ng kong anung bagay.
"Anu bang nangyare sayu?" Pag aalala ni Edriana.
"May tama ako," sabay ng malakas na buntong hininga.
Tama nga ang narinig sa ama niya at ang kaibigan nito na may natamaan itong iba ngunit ang mas malala pa doon, dahil si Kaden pa ang natamaan.
Naglakad sila hanggang sa isipin ni Kaden ang lagusan pauwi sa Illustra doon nakaramdama ng kakaibang lamig si Edriana, higit sa lahat nag iba ang lugar kong na saan sila, sa bilis ng pangyayare nasa harap na sila ng isang ilog sa gitna ng gubat, samantalang ang pagkaka-alam niya walang ilog doon.
Agad na umalis si Kaden kay Edriana at humiga sa lupa. "Kaya mo bang mang gamot?"
Umupo naman si Edriana malapit kay Kaden, "huh?"
Nakita naman ni Edriana na hinuhubad ni Kaden ang damit nito doon niya nakita ang nagkalat na dugo sa damit ng binata. Dumapa na si Kaden, "kunin mo yung bala sa loob."
Lalong na gulat si Edriana, "huh, anu? Hindi ayoko, baka---"
"Dali na! Mamamatay ako pag hindi mo inalis yung bala sa loob ng katawan ko."
"Huh?" Nagpalinga linga sa paligid si Edriana ang pwede niyang gamitin para sa pang gagamot kahit na wala talaga siyang alam sa pang gagamot.
Kinuha niya ang damit na suot ng binata at binasa sa katabing ilog. Pinunas niya ang basang damit sa palibot ng sugat, kaya bawat pag dikit ng kong anung bagay sa sugat ni Kaden nararamdaman niya ang milyong milyon kirot na tumatakbo sa kanyang katawan.
Natatakot si Edriana sa gagawin niya ngunit kaligtasan ng binata ang iniisip niya. "Sigurado ka ba?"
"Oo, kaya gawin muna, dali na." Nang hihina na ang boses ni Kaden.
Ayaw man ng dalaga ngunit kailangan niyang gawin, ginamit niya ang bagong hugas na kamay para dukutin ang bala sa loob. Hindi rin niya maiwasang mandiri dahil mas dumi ang dugong lumabas at nararamdaman ang laman ng katawan ng binata.
Pero higit sa lahat mas hirap na hirap si Kaden sa pang gagamot na yun, hanggang sa mailabas ni Edriana ang bala. Hinagis niya ito kong saan na direksyon, "tapos na," saad ni Edriana.
Hinugasan niyang muli ang kamay at ang damit ni Kaden para ipunas sa sugat nun. Kahit papaanu naka hinga ng maluwag ang dalawa, "magpahinga kana," sabe ni Edriana, "babantayan kita dito hanggang sa mag umaga," ngunit hindi niya alam na naka tulog na pala ang binata.
Sinandal ni Edriana ang likod sa puno at pina unan naman niya ang kanyang legs sa binata habang naka dapa ito. Gusto niyang bantayan ang binata ng magdamag ngunit hindi na niya kinaya ang antok, hindi man niya gustong matulog sa madilim na lugar, kasama lang niya si Kaden nawawala na ang takot niya.