BLOOD 56
NAGIGING pamilyar na kay Edriana ang dinaraanan ng kotse ni Kaden, "anung sa tulong ng palaso mo?"
"Hindi muna na ba naalala yung sinabe ko, kaya nun hanapin ng lider ng mga aswang dito. May mahika yun, binigyan buhay yun ni Victoria gamit ang kapangyarehan niya."
Tumaas naman ang isang kilay ni Edriana, "sinung Victoria? Girlfriend mo?"
"Huh?" Na gulat naman si Kaden sa tanung ni Edriana. "Si Victoria ay isang magaling na guro sa Swiss, kaibigan ng pamilya namin ang angkan nila. Hindi ko siya kasintahan, ka kilala lang."
Patango tango naman na sumang ayun si Edriana, "ah ganun ba?" Hindi na niya namalayan na naka hinto na pala ang kotse ng binata sa tapat ng gate ng mansyon. "Salamat sa paghatid. Yung tungkol sa sinabe mo, oo gusto kong makapag higante tutulong ako para matapos na ito pero may plano kana ba?"
"Oo, meron na. Maghanda ka lang ng ilang sandata dahil maglalaro tayu sa kanila bukas."
Bahagyang kinabahan si Edriana sa sinabe ni Kaden, "ok," ngunit hindi niya pina halata, "sige kita na lang tayu bukas."
Nang maka pasok na si Edriana sa mismong mansyon at loob ng silid niya ay agad naman niyang kinuha ang palaso sa bag. Umupo siya sa kama habang pinag mamasdan at hinahanap kong may kakaiba sa palasong hawak niya. Matagal niya itong pinag katitigan hanggang sa maka tulog siya sa kama na hindi man lang nakapag hapunan at nakapag palit ng damit. Kinabukasan agad niyang hinanda ang baril at bala na gamit pa ng papa niya. Binalot niya ito bago tinago sa bag at ilan pang patalim na kailangan niya kasama ang palaso ng binata.
Sobrang bigat ng bag niya ng makarating siya sa paaralan niya gamit ang scouter niya, wala pa rin nagbago sa paaralan niya at animoy walang nangyareng trahedya. Naglakad si Edriana papasok sa pasilyo kong saan may nagkakagulong estudyante, agad naman na nakipag siksikan si Edriana sa mga kapwa niya kamag aral at bumungad sa kanyang harapan ang malaking bulletin board nila kong saan doon nilalagay ang mga mahahalagang balita sa paaralan.
May ilang natutuwa at na excite sa balitang nabasa. "Halloween Party?" Bulalas ni Edriana, hindi niya namalayan na last week na nila qng oktobre at magbabakasyon na naman. Umalis na lamang si Edriana sa harap ng bulletin board at tumungo na lamang siya sa klase niya. Kahit papaanu bumalik ang sarili niya sa dati, nabawasan na rin ang pagkaulila niya sa mga nawalang kaibigan. Natapos ang buong klase sa buong maghapon, gusto na niyang mahanap si Kaden ngunit hindi niya alam kong saan.
"Ed," napa sulyap siya sa tabi niya, si Paolo.
Ngumiti si Edriana sa binata at sabay silang naglakad. "May kailangan ka ba?" Tanung ng dalaga.
"Wala naman, may itatanung lang ako sayu?"
"Anu naman yun?" Habang palinga linga sa paligid si Edriana na animoy may hinahanap.
"Pupunta ka ba sa Halloween Party?"
"Hindi ko pa alam, marami pa akong inaasikaso eh."
"Sana maka punta ka, tayu partner."
"Why not," sabay tawa ni Edriana, "kong hindi ako magiging busy kong mabubuhay pa ako pagkatapos ng gabeng ito."
Nagtaka naman si Paolo sa sinabe ng dalaga, "bakit?"
"Ah wala, may pupuntahan lang ako. Sige ingat kana lang, saka na tayu mag usap tungkol sa party na yan." Iniwan nang tuluyan ni Edriana si Paolo sa hallway at hinanap si Kaden.
KATATAPOS lang ng practice ng sinasalihan na grupo ni Kaden, kahit papaanu sa pagpapanggap niya may ilan din siyang na kilala lalong lalo na sa grupo ng mga estudyanteng mahilig sa archery katulad niya. Ito lang ang naisip niya para madali niyang madala ang pana at palaso kahit saan man siya magpunta sa paaralan na yun na hindi iisipan ng ibang bagay ng mga mortal na naka paligid sa kanya. Tuwang tuwa na naman ang mga kasamahan niya sa kakaibang pinakita niyang paggamit ng pana. Nag aayus siya ng lapitan siya ng isa sa mga kasama niyang binata din ngunit mas mabata sa kanya ng kaunti. Tinapik siya nito sa paligid dahilan para humarap siya sa binata. "Anu yun?"
"May naghahanap sayu, girlfriend mo ata."
"Huh?" Sabay turo naman ng binatang yun sa di kalayuan naka upo sa isang bench si Edriana at pinag lalaruan ang d**o sa paa. Muling bumalik ang tinginan ng dalawa. "Hindi ko naman girlfriend yan eh."
"Ah, eh anu mo si Edriana?" Lahat ng mag aaral doon kilalang kilala ang dalaga.
"Kaibigan."
"Talaga lang ah?" Sinamaan naman ng tingin ni Kaden ang binata at saka ito umalis. Kinuha na niya ang gamit niya, saka lumapit kay Edriana at tumabi sa upuan na may ilan namang naka pansin.
"Anung ginagawa mo dito?"
"Hinanap ka, buti nga tama yung hinala ko na dito kita makikita. Ang galing mo talaga."
"Kanina ka pa dito?"
"Hindi naman gaanu, mga isang oras pa lang naman kaya ayus lang." Sarkastikong saad ni Edriana.
"Halika na."
"Huh?"
"Bakit?" Takang taka saad ni Kaden.
"Sabe mo kase HALIKAN NA," biro ni Edriana habang naglakakad sila.
"Wala akong sinabeng ganun, para kang sira." Tumahimik na lamang ang dalaga at naglakad sila ng sabay. Hindi nila pina halata nasa gubat sila pupunta at paminsan minsan'y sumusulyao sa daraanan nila hanggang sa makarating sila sa mismong gubat. Agad na kinarga ni Kaden Edriana ng hindi nagpapaalam at kasamang lumundag sa isang mataas na sangga ng puno.
Sa pagkabigla ay agad na kumapit si Edriana kay Kaden, dahan-dahan na lumayo si Edriana sa pagkakatago sa leeg ni Kaden at halos magkalapit na ang mga mukha nila. Parehong kumabog ang mga dibdib nila ngunit hindi nila ito pinansin at saka naman dahan-dahan na binaba ni Kaden ang dalaga. Naka hinga ng maluwag ang dalaga, dahan-dahan na umupo sa sanga at sinandal ang likod sa puno. Lumundag naman si Kaden sa isa pang sangga sa kabilang puno na mas mataas pa kesa sa puwesto ni Edriana.
Sandali silang tahimik doon at hinihintay kong may mangyayare bang kakaiba. Nang hindi maatim ni Kaden ang pagiging tahimik ng dalaga, "Ed---Edriana," sa unang pagkakataon na utal siya sa pagtawag ng pangalan ng dalaga.
"Anu yun, Kaden?" Mapang asar na tanung ni Edriana.
"Pagnatapos na ito, anu nang gagawin mo?"
"Ipagpapatuloy ang buhay."
Napangisi si Kaden dahil sa sagot ni Edriana dahil hindi naman doon patungkol ang tanung na yun. Nahihirapan siyang magtanung ng diretsong bagay kay Edriana, na hindi niya maitindihan sa kanyang sarili. "Hindi yun."
"Eh anu ba kase?"
"Pupunta ka ba doon sa party? Sa halloween party?" Kinabahan si Edriana sa tanung na yun.
"Bakit? Excited ka ba sa bagay na yun? Akala ko aalis kana pagkatapos nito? Kase diba sa sabado yun, ibig sabihin tatlong araw magmula ngayun ang party."
"Sagutin muna lang ako," iritadong saad ni Kaden.
"Aba ewan ko, hindi ko nga alam kong mabubuhay pa ako."
"Bakit wala ka bang tiwala sa akin?"
Sa pagkatataon na yun sumulyap si Edriana sa puwesto ni Kaden, kahit ang binata ay naka tingin din sa kanya na may napaka seryosong mukha. "Meron, meron akong tiwala na matatapos mo toh at mauubos mo sila."
"Wala ka bang tiwala na walang mangyayareng masama sayu?"
"Mortal ako at immortal ka. Kong alin sa atin ang mamamatay ako na yun kase hindi ako malakas at wala akong kakayanan na maging mabilis sa lahat ng bagay katulad ng ginagawa mo. Kaya hindi ko sigurado kong mabubuhay pa ako pagkatapos ng araw na ito."
"Wala ka bang tiwala na kaya kitang protektahan?" Hindi na alam ni Kaden ang mga pinag sasabe niya, basta ang pagkaka alam niya ay kailangan niyang bantayan ang dalaga katulad ng pagbantay nito sa kanyang palaso para hindi mawala. Hindi na naka sagot pa si Edrian at hinayaan na magkatitigan sila ni Kaden.