Blood 55

1324 Words
BLOOD 55 NAKA tayu si Edriana sa gitna ng gubat, sa mismong likod ng paaralan niya, ng mag uwian agad siyang pumunta doon at naghintay kong may kakaibang mangyayare. Dahil nung una pa lang niyang may nabalitan na namatay nakita din ito sa likod ng gubat paaralan nila at ganun na naman ang nangyare sa mga kaibigan niya. Naglakad lakad si Edriana sa paligid hanggang sa hindi niya mapansin na naka layu na pala siya sa paaralan. Hinahanap niya kong saan din nakita ang bangkay ng mga kamag aral at kaibigan ngunit hindi niya mahanap. Nagdidilim na rin ang paligid kaya bumalik siya patungo kong saan siya galing ngunit may grupo ng mga kabataan ang makaka  salubong niya. Agad siyang kinabahan at kumabog an dibdib sa takot. Hindi niya alam pero kusang naghanap ang isip at katawan niya ng pagtataguan. Tumakbo siya sa kanang parte ng gubat at isa-isa nilapitan ang puno doon, halos magkadarapa pa siya hanggang sa makapag tago siya. Sa isang malaki at matabang puno niya tinago ang katawan. Sinilip niya ang grupong yun kong saan huminto sa kaninang puwesto niya ang hindi pababa sa sampu ang bilang. Animoy may hinahanap ang mga ito na lalong nagpakaba kay Edriana, 'tapang tapangan na naman ako,' sabe niya sa kanyang isipan. Hindi niya maaninag ang mga mukha ng mga ito dahil pare-parehong naka jacket ng kulay maroon at naka patong ang hood sa kanilang ulo. Animoy may inaamoy amoy pa sa hangin at walang ano'y tumakbo sa takot si Edriana ni hindi man lang tumingin tingin sa kanyang likod basta lang maka layu siya sa mga ito. Unang pumasok sa kanya na aswang din ang mga ito. Binilisan niya ang takbo hangga't makakaya niya hanggang sa matalisod siya sa isang lubid doon, nagpagulong gulong siya sa lupa hanggang sa maka upo. Gusto niyang tumayo pero hindi niya magawa dahil din sa pilay na nangyare nang maipit ang scouter niya noong isang gabe. Hanggang sa dumating ang mga kina tatakutan niya, ang bibilis ng mga kilos na papalapit sa kanya ang mga nakita niya at hindi siya nagkakamali na aswang ang mga ito. Papalapit na ang isa na hindi niya paren makita ang mukha hanggang sa may tumalon sa isang puno at binagsak ang katawan ng binata yun kasabay ang aswang sa lupa. Kinuha ng binata ang patalim sa lalagyan na naka sabit sa bewan at itinarak sa dibdib ng aswang na naging abo agad. Agad na nakilala ni Edriana ang binata, si Kaden. Ang bilis ng pangyayare at nag si labasan ang mga kasama nito ng sabay kay Kaden. Pinana niya ang isa at ng maka lapit naman ang isa ay agad na sinipa niya sa dibdib para maka layu sa binata. Umatake pa ang isa at pinana na naman ito ni Kaden. "Sa likod mo!" Sigaw ni Edriana dahil may lulundag sana kay Kaden galing sa puno at agad na pinana din. Lahat ng mga aswang doon na natatamaan ay nagiging abo na lamang, mabilis naman na naagaw kay Kaden ang pana niya at ang kailangan niyang gawin ay makipag buno gamit ang kamay. May tatlo na lamang na natitira na sabay ding sumugod kay Kaden. Natumba si Kaden dahil sa isang sipa na agad na kina gulat ni Edriana, pinag sisipa si Kaden hanggang sa masalag ni Kaden ang paa at agad na binali. Singhal ang maririnig sa buong gubat, tinarak ni Kaden ang patalim sa sikmura ng aswang, nagmadaling kinuha ni Kaden ang dalawang palaso sa likod niya, sabay na tinarak sa ulo ng isa pa at gusto pa sana habulin ni Kaden ang isa ngunit tumakbo ito palayu. Hindi maiwasan ni Edriana na mamangha na naman sa binata sa bilis at galing nito sa pakikipag laban. Agad na kinuha ni Kade ang mga gamit niya at lumapit kay Edriana para maka tayu ito. "Anung ginagawa mo dito?" Tanung ni Edriana kay Kaden. "Ikaw, anung ginagawa mo dito?" Pagbalik naman ni Kaden sa tanung ng dalaga. "Namamasyal," sagot ni Edriana. "Seryoso ako." "Seryoso din ako." "Isa..." "Dalawa..." Bilang din ng dalaga sa pagsabay sa binata. Ngunit parang na inis si Kaden, "ang sakit mo sa ulo alam mo ba yun, ang tigas ng ulo mo, kailangan muna lang palagi kong iligtas at isa pa lapitin ka ng gulo." "Hindi ko naman sinabeng iligtas mo ako o hanapin mo ako ah." "Anu nga kaseng ginagawa mo dito?" "Gusto ko lang naman--" "Gusto mo lang naman na makapag higante dahil pinatay nila ang kaibigan mo. Alam mo ang tigas talaga ng ulo mo, wala kang magiging laban sa kanila. Kong hindi pa ako dumating baka nabalitaan ko na rin na isa kana sa mga namatay dito." Tahimik lang ang dalaga at naka tingin lang sa mukha ng binata. "Alam mo ang gwapo mo talaga," biglang saad ni Edriana. Bahagyanh nagulat si Kaden doon ngunit nag maang-maanghan siyang hindi niya gaanu narinig ang sinabe ng dalaga. "Anu?" "Wala ang sabe ko, bakit ka na andito? Sinusundan mo ako, ano?" "Hindi kita sinusundan wag kang assuming, nagkataon na andito din ako at may kailangan akong hanapin. Bakit ka ba talaga na andito, maliban sa paghihiganti?" Kiniwento naman lahat ni Edriana ang tunay na katauhan ni Ian, ang party, pati na rin ang mga bangkay na hahanapin sa iisang lugar kong na saan sila. "Si Ian, isang aswang din na crush mo? Ganda rin ng taste mo." "Wala na yun sa akin at saka ngayun ko lang naman nalaman. Pwede ba?" Iritadong saad ni Edriana. "Wag tayu dito, pakiramdam ko kase na may magaganap na pangalawang labanan." "Huh---TEKAAAAAAA!" Agad na kinarga ni Kaden si Edriana palabas ng gubat gamit ang kanyang bilis. Hindi na naman namalayan ni Edriana na nasa labas nila, kapit na kapit siya sa batok ng binata. "Andito na tayu," agad na umalis si Edriana ng marinig ang binata. Pinag hahampas niya ang binata sa braso. "Nakaka inis ka alam mo ba yun." "Hindi ko alam na nakaka inis na pala ako ngayun," pang aasar naman ni Kaden. "Wha. Ha. Ha. Ha." Sarkastikong tawa ni Edriana. Naglakad si Kaden na sinundan naman ni Edriana hanggang sa huminto sila sa itim na kotse. "Sayu toh?" Sabay turo ni Edriana sa mamahaling kotse sa tapat nila. Hindi na lang sumagot si Kaden at sumakay sa driver seat. Binuksan naman ni Edriana ang pinto sa passenger seat at umupo doon na may halong pagkamangha sa mukha. Ngayun lang niya nalaman na may kotseng mamahalin ang ka kilala niyang aswang. May isang bagay na alala si Edriana habang nasa gubat sila kanina, "kong hindi mo ako sinusundan kanina, paanu ko ako na hanap o nakita sa gubat? Paanu mo nalaman na andoon ako?" Kalmado lang ang mukha ni Kaden ngunit sa loob ng dibdib niya may kong anung kaba sa tanung na yun, "malakas pakiramdam ko." "Ganun ba," hindi muling nagtanung si Edriana. Nagmaneho na lamang si Kaden habang nililibot ni Edriana ang tingin niya sa loob ng kotse, "maraming lagusan ang gubat na yun," napa sulyap naman si Edriana kay Kaden na seryosong nagmamaneho sa tabi niya. "Ayun sa sinabe mo at nalaman ko, ang bahay ni Ian ay malapit lang sa lagusan na meron sa gubat na yun. Kaya madali lang sa kanila para gawin ang bagay na yun." "May paraan ka ba para mamatay siya at sa mga gumawa nun sa mga kaibigan ko?" Sandaling katahimikan at may malalim na iniisip si Kaden, "ayus ka lang ba?" Pagbasag ni Edriana sa katahimikan na yun. "Gusto mo ba talagang maghigante? May na isip lang ako." "Anu yun?" Ilang minuto na namang katahimikan bago muli magsalita anh binata. "Tulungan mo ako." "Tungkol saan? Pagdrive, sa pangliligaw o sa iba pang bagay?" "Anu bang pinag uusapan natin?" Seryosong tanung ni Kaden. "Ito naman, para nagbibiro lang. Anu nga bang klaseng tulong?" "Hanapin mo kong sinu yung lider nila." Napa isip si Edriana at lumabas ito sa kanyang bibig, "sa paanung paraan?" "Ang palaso ang tutulong sayu."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD