Blood 54

1125 Words
BLOOD 54 DUMATING ang araw na halos ayaw nang pumasok ni Edriana sa paaralan niya lalo na ng malaman niyang magkakaroon ng dasal sa mismong paaralan nila kasama ang labi ng mga kamag aral at sila. Ayaw niyang makita ang mga kabaong ng mga kaibigan o tignan man lang niya ang mga ito kahit sa huling pagkakataon. Sa gitna ng field napuno ng mga upuan kong saan uupo ang lahat ng mag aaral at iba pang opisyales. May mini stage sa unahan, labing walong kabaong ang naka tapat sa kanila at sabayan pa ng madilim na kalangitan. Pagdating niya sa paaralan hindi mahulugang karayom ang field sa dami ng umattend ng padasal, nasa gate pa lang siya ng marinig niya ang hudyat na tapos na ang mesa, sinadya ang bagay na yun, dahil ayaw niya talagang pumunta. Halata sa bawat mukha ng mga mag aaral doon ang lungkot dahil may namatay na naman, may ilang nakiramay lang para lang masabeng may awa sila sa kamag aral, meron namang nang hihinayang at meron ding wala lang pake basta lang pumunta. Nag sisiiyakan din ang mga magulang ng mga na ulila ng namatay na estudyante at hindi makapaniwala sa nangyare. Ngunit tanging si Edriana lang ang nakaka alam kong anu ba ang tunay na nangyare. Mula sa kinatatayuan niya na malayu sa gate naka tingin din at binabantayan siya ni Kaden. Umalis na lamang siya at hindi man lang sinubukan na sumilip kahit na sandali. Sa lahat ng mag-aaral doon, siya ang hindi makapaniwala sa nangyare sa mga kaibigan, ngunit wala siyang magawa kong di ang umiyak din. Tumakbo ang araw at naging tahimik ang buong paaralan. Animoy walang nangyare naman sa iba, para nang nababaliw sa paningin ng iba ang pagiging tahimik ni Edriana samantalang alam nilang masayahin at pala bati ito sa kanila. Hindi siya namamansin, tulala sa isang lugar at sa araw na yun mag isa siyang naka harap sa pagkain dahil lunch break na ng mga oras na yun. Siya lang mag isang naka upo sa dati nilang puwesto ng mga kaibigan niya at dahan-dahan na naman na tumutulo ang luha niya pag-naalala niya ang masasayang araw pagkasama ang mga kaibigan, na ngayun ay wala na. May ilang pinag uusapan siya, magbubulungan at ang iba naman ay nakikisimpatya na lamang sa kanya dahil alam nila na kaibigan siya ng mga namatay. Sa bawat araw na ganun ang dalaga, bawat araw ding nagbabantay si Kaden na malapit lang sa kanya at nagmamasid ngunit hindi niya ito pansin. Pumasok ang grupo ni Paolo ng football player sa cafeteria at natanaw ng binata si Edriana na naka yuko sa harap ng pagkain. Naging mailap din ang dalaga kay Paolo, umiiwas at ayaw makipag usap kahit sandali, kaya sa lahat na nakaka kilala sa kanya si Paolo ang nag-aalala sa dalaga. Sandaling nakapag paalam si Paolo sa mga kasama at umupo sa tapat ni Edriana may ilan pang naka pansin sa ginawa niya. Wala pareng napapansin ang dalaga, hanggang sa punasan ni Paolo ang mga luha ni Edriana sa mukha gamit ang panyo. "Isang linggo ka nang ganyan," napa sulyap si Edriana kay Paolo na blangko ang mukha at hindi niya alam na ganun ka tagal na pala siyang nagmumokmok. "Gumising ka naman Ed, hindi ka pa naman nag iisa, andito pa ako, kaya sana maging ayus kana, kase ako lang kakampi mo dito, nasasaktan din ako na nawala sila, nasasaktan ako kase wala akong nagawa para sa kanila, pero mas masasaktan ako pag wala akong nagawa para sayu." Lutang ang diwa ni Edriana at blangko lang ang mukha. "Ayus lang ako," saka niya kinuha ang bag niya at tangkang aalis. Bago pa man siya umalis binuhusan agad siya ni Paolo ng tubig sa ulo para mabuhayan ito ngunit wala na naman sa talaga ang lahat. Hanggang sa tuluyan nang naka labas si Edriana na basa ang ulo at damit. Agad ding tumayo si Kaden kong na saan siya at sumunod sa dalaga. Sa mga oras na yun, ang iniisip niya ay kailangan niyang bantayan si Edriana sa hindi alam na dahilan. Nakarating si Edriana sa kanyang classroom at naghintay na mag umpisa uli ang klase. Makikinig sa klase kahit na lutang ang utak, mapapasulyap sa mga upuan ng mga kasama na animoy nakikita niya ang mga ito, luluha nang maaalala niyang hindi ito babalik at iiyak ng iiyak sa isang gilid. Darating ang oras ng uwian at hahayaan na dalhin siya ng mga paa kong saan. Nasa hallway na siya ng bumangga siya sa kong sinung estudyante at hinihintay niya na ito ang kusang umalis ngunit hindi naman umaalis sa harap niya. Naka yuko siya kaya hindi niya makita kong sinuman ang naka bunggo, hanggang sa hawakan siya nito sa braso. Isang malamig na kamay ang naramdaman niya na animoy galing sa ref sa sobrang lamig, alam niya kong sinu ang may ganung temperatura ngunit nang ianggat niya ang mukha niya, nagkamali siya.  Mula sa pagka gulat, naging galit ang namuo sa kanyang mga mata hanggang sa kusa siyang lumayo sa naka bunggo. Naka ngisi ito sa kanya na animoy nang aasar, muli siyang napa sulyap sa mga mata nito na nagbabago sa tatlong kulay. May ilan namang estudyante ang nakaka pansin sa kanila, animoy bumalik naman ang tunay na katauhan ng dalaga at natauhan nang makita niya si Ian. "Gago ka," mahina niyang saad. Hindi niya maitindihan kong bakit siya nagkagusto sa isang halimaw na ngayun ay kaharap niya, "ang sakit muna man magsalita," aniya ni Ian. "Alam kong may kinalaman ka sa pagkamatay ng mga estudyante dito? Alam ko na ikaw ang kamuntik nang magpapatay sa akin." "Talaga? Bakit parang wala akong alam sa mga sinasabe?" Naka ngising saad ng binata. "Hindi pa huli ang lahat para mamatay ka rin," matigas na sambit ng dalaga. "Sa tingin mo ba kong aaminin mo sa iba kong sinu ang pumatay sa kanila, maniniwala sila? Hindi at iisipin lang nila na nababaliw ka sa mga pinagsasabe mo. Mamamatay ka sa kabaliwan, sabihan ko man sayu na ako nga ang pumatay kasama ng mga kaibigan ko, hindi naman sila maniniwala sayu dahil wala kang ebidensya." Natigilan ang dalaga at iniisip na tama ang lahat ng sinabe ni Ian sa kanya. Iisipin na baliw lang siya ngunit agad siyang naka bawi. "Ako mismo papatay sayu pagnakakuha ako ng ebidensya laban sayu." "Edi wow," singhal ng binata na may halong pang aasara sa dalaga hanggang sa maka alis ito. Na iwan lang na naka tayu doon si Edriana at naka tingin sa pag alis ni Ian. May isang bagay ang pumasok sa kanyang utak, tatlong bagay na pwede niyang ikamatay pagnagkamali siya ngunit alam niyang may gagawin siya sa pagkakataon na yun para sa mga kaibigan niya. Ebidensya. Hustisya. Pagpatay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD