BLOOD 53
DUMATING ang sabado at halos nagmukmok lang maghapon doon si Edriana sa kanyang silid. Sira ang cell phone niya at hindi pa siya maka labas para maka bili ng bago. Dinadala na lang ang almusal niya, tanghalian at meryenda sa kanyang silid. Bahagyang masakit paren ang buo niyang katawan, kailangan niyang maka bawi at magpalakas. Naka higa siya sa kama at katatapos lang mag merienda, ni hindi rin siya pinuntahan ni Kaden na siya namang hinihintay niya. Naka tapat ang mukha niya sa kisame at animoy may kakaiba sa itaas. Napa balikwas siya ng bangon at lumapit sa kanyang desktop.
Una niyang binuksan ay ang f*******: account niya at habang nagtitipa may bagay siyang animoy nakalimutan ngunit niya mawari kong anu yun. Bumungad sa kanya ang sampung mensahe na galing sa mga kaibigan. Isa-isa niyang binuksan at una niyang nabasa ay ang mensahe ni Paolo. Binabasa niya ang mga mensahe habang naka taas ang isang kilay.
Paolo: Hoy, na saan kana? Biglang namatay yung tawag ko sayu.
Paolo: Ayus ka lang ba dyan?
Paolo: Bakit hindi ka pumasok? Ayus ka lang ba talaga?
Paolo: Tatlong araw na namin hindi nakikita nila Cyrel. Sana ayus ka lang?
Paolo: Sasama ka ba kila Cyrel ngayun?
Cyrel: Hello girl, ayus ka lang ba? Ipapaalala ko lang sayu na bukas na yung party kila Ian. Its your time to shine, girl.
Cyrel: Mamayang 6 pm ang start ng party, punta ka. Hintayin ka namin, chao!
Gaile: Punta ka sa party nila Ian kita-kita tayu.
Paolo: Nagpunta na pala ng maaga sila Cyrel sa party, mukhang excited.
Paolo: May practice kami ngayun sa football kaya hindi ako makaka sama sa inyu ngayun.
Natigilan sa kanyang kina uupuan si Edriana habang isa-isa at paulit-paulit niya itong binabasa. Yun ang gumugulo sa utak niya na kailangan niyang maalala, ang party ni Ian, una niyang na isip na delikado ang binata dahil siya lamang ang nakaka alam na aswang ito at nasa piligro ang kanyang mga kaibigan. Napa sulyap siya sa wall clock at nakita niyang nasa 5:45 pa lang, ang kailangan lang niya gawin ay ang magmadali sa pagpunta dahil kailangan niyang iligtas ang mga kaibigan niya.
Tinali niya ang buhok, kinuha ang susi ng scouter niyang niregalo ng papa niya noong nag 18 birthday siya sa kabinet at agad na lumabas ng silid. Naka salubong siya ng mga katulong at alam na kong anung gagawin ng dalaga. May mga ilang humarang para sa kanyang pag alis dahil alam nilang hindi pa magaling ang dalaga ngunit isang tingin lang ng dalaga sa mga ito bigla itong nag si alisan. Nagpunta si Edriana sa garahe nila, doon makikita ang iilan pang kotse at motor na pagmamay-ari nila.
Sa pinaka dulo naka park ang scouter niyang kulay puti, agad niyang kinuha ang helmet na kulay puti at sinuot. Sumakay agad siya ng scouter at agad na kusang nagbukas ang pinto sa garahe paitaas. Minaneho niya agad ang scouter at minabuting magmadali sa pagmamaneho. Halo-halo ang nararamdaman niya sa mga oras na yun, kaba, takot para sa mga kaibigan at inis dahil ang bagal paren ng scouter niya kahit na anung bilis ang gawin niya. Nadaanan niya ang mag natataasang puno bago tuluyang maka labas ng gate ng mansyon na kusa din nagbukas.
Ngunit sa paglabas niya ng gate sa di kalayun na tanaw niya ang isang binata na naka harang sa daraanan niya. Pagtapat niya sa binata ay agad niyang hininto ang scouter at seryosong si Kaden ang nakikita niya ngayun. "Umalis ka nga dyan," aniya ni Edriana.
"Bakit ka umalis, diba may sakit ka pa?"
"Kaya ko na sarili ko at saka nasa panganib ang mga kaibigan ko kailangan ko silang iligtas."
"Hindi ka aalis," saad ni Kaden.
"Anu?"
"Ang sabe ko hindi ka aalis dahil mapanganib din sayu."
"Pwes! Wala kang magagawa!" Dumaan sa gilid ni Kaden ang scouter ni Edriana ngunit agad niyang pinana ang hulihang gulong sa scouter ng dalaga. Ngunit hindi niya intensyun na masaktan o mamatay ang dalaga, yun lang ang kailangan niyang gawin para mapahinto sa pag alis si Edriana. Nawalan ng balanse si Edriana hanggang sa kusa na itong tumigil, natumba siya sa at naipit ang kanang binti niya ng matumba ang scouter kasabay niya. Agad siyang nilapitan ni Kaden, tinulungan na maka alis at maka tayu.
Namuo ang tubig sa mga mata ni Edriana hanggang sa tumulo sa kanyang pisngi. Marahas niyang inalis ang pagkakahawak sa kanya ni Kaden, pinaghahampas ang braso at dibdib ng binata. Lahat ng inis at galit binuhos niya kay Kaden ngunit wala lang ito sa binata. "Bwisit ka! Bwisit ka! Walang hiya ka! Kailangan kong tulungang mga kaibigan ko pero anung ginagawa mo, pati ako papatayin mo!"
Hinawakan ni Kaden ang magkabilang balikat ni Edriana para huminto. "Bakit akala mo ba mailigtas mo ba sila na ikaw lang? Mahina ka, mortal ka lang. Wala kang magagawa, mga aswang ang makaka harap mo doon."
"Dapat hinayaan muna lang," basag ang boses ni Edriana kasabay ng pag-iyak niya sa harap ng binata. "Hindi mo ako naiitindihan, kahit na mahina ako, at least gagawa ako para ng paraan, at least may nagawa ako kesa sa wala. Ayokong mawala sila, dahil higit pa sila sa pamilya na meron ako, sila ang dumamay sa akin ng wala ang mga magulang ko at sila ang naging kapatid ko ng kailangan ko ng kasama."
Dahan-dahan na bumitaw si Kaden sa pagkakahawak sa balikat ng dalaga ngunit sa panghihina ng dalaga, napa sandal ang ulo niyang may helmet sa dibdib ng binata. Wala siyang pake kong puno ng sipon at luha ang mukha niya. Hindi namalayan ni Kaden na dahan-dahan na yumakap ang mga kamay nito sa likod ng dalaga. Hindi alam ni Kaden kong sa paanung paraan niya mapapagaan ang pakiramdam ng dalaga, ngunit umalis ang dalaga sa kanya at naglakad palayu sa kanya na animoy walang nangyare.
Hinayaan lang ni Kaden si Edriana ngunit naka sunod paren siya hanggang sa maka pasok ito ng mansyon. Gulat na gulat ang mga katulong ni Edriana kong bakit lumuluha itong umuwi habang pilay maglakad. "Buksan ninyu ang tv," tama lang para marinig nila at sinunod ang utos ng dalaga. Saktong balita ang palabas, hindi naka tingin si Edriana ngunit nakikinig siya.
"Labing walong mga estudyante ng isang sikat na paaralan malapit sa Oakwood Street ang namataang patay sa likod ng paaralan nila. Ang mga naturang estudyante ay wak-wak ang katawan at duguan sa hindi alam na dahilan. Sabe din ng pulisya na dito naganap ang trahedyang pagpaslang sa lahat. Isa na dito sila Cyrel Santiago..." Isa-isa unang binanggit ang pangalan ng lahat ng kaibigang babae ni Edriana sa balita at ang ilan ay hindi niya kilala. Nabingi ang kapaligira ng dalaga at wala nang maintindihan sa pinakikingan hanggang sa kusa na namang tumulo ang luha niya.
"Ayus lang ba si young lady?" Tanung ng ibang katulong. Ngunit wala silang maintindihan sa nangyayare hanggang sa umakyat na si Edriana sa kanyang silid. Sinara ang pinto, nilock ng maka pasok siya, dahan-dahan na inalis ang helmet at hinayaan na bumagsak ang katawan sa kama niya. Kinuha niya ang isang unan para yakapin at itago doon ang panaghoy niya.
Iniisip niya na wala siyang nagawa at sinisisi niya ang lahat sa nangyareng pagkamatay sa kanyang mga kaibigan. Ni hindi man lang niya nasabihan ang kaibigan niya o nabalaan samantalang siya lang ang nakaka alam ang tunay na katauhan nila Ian. Mula sa labas ng terrace naka bantay na naman doon si Kaden habang pinakikingan ang hagolgol ng dalaga sa mga oras na yun. Hindi naman maintindihan ni Kaden kong bakit nang hihina siya sa hagolgol na yun samantalang hindi naman niya kaanu-ano ang dakaga, animoy gusto niyang patahanin ang dalaga ngunit hindi niya alam kong paanu.