BLOOD 52
TAKANG taka si Edriana kong bakit may anim na kumot ang naka patong sa kanya na agad niyang tinanggal sa pagkakatakip sa kanya sa sobrang init, patay din ang aircon niya sa silid at ang init ng sweater na suot niya. Maliban doon ang sakit ng ulo niya nang pilitin niyang maka upo ng maayus sa kama at bahagyang nanginginig ang kamay niya pagkikilos. Agad na bumukas ang pinto at sampung katulong ang pumasok. "Anung ginagawa ninyu dito?" Kunot noo niyang tanung. Nagkatinginan ang mga bawat katulong.
"Young lady, nagka hypothermia po kayu kagabe at kailangan po ninyu magpahinga." Aniya ng isang katulong na animoy namumuno.
"Huh? Ganun ba?" Saka lang naalala ni Edriana ang buong nangyare kagabe at bahagya pang nanglalamig ang katawan. Humiga uli siya dahil hindi niya kaya ang panghihilo at sakit ng ulo. Lumapit naman ang isa at kinumutan siya muli ngunit isa na lang ang ginamit. Binuksan naman ng isang katulong ang aircon ngunit hindi naman gaanu kalamig. "Anung oras na ba?"
"8 am po young lady."
"Anu? Late na ako, pero hindi ako makaka pasok nito."
"Pero hindi naman ninyu kailangan pumasok muna ngayun lalo na't biyernes naman. Tumawag na kami sa school ninyu na hindi kayu makaka pasok."
"Buti naman, salamat na lang."
Lumayo ng bahagya ang katulong na nag aayus sa kanyang kama. "Anu pong gusto ninyung kainin, young lady?"
"Ayoko kumain, gusto ko lang nagpahinga." Nagkatinginan na naman ang bawat katulong na andoon.
"Naku young lady, hindi pwede sabe ng doktor kailangan ninyu kumain."
"Ayoko nga sabe."
May isang butler naman ang pumasok at agad na lumapit sa dalaga, hingal na hingal pa ito. Napa taas ang isang kilay ni Edriana sa binatang butler. Lumunok muna ang binata bago magsalita, "may bisita po kayu."
Lalong hindi inaasahan ni Edriana na may magiging bisita siya. "Ayoko ng bisita kong sinu man yan, sabihin mo may sakit ako diba nakikita naman ninyu."
Hindi paren umaalis ang binata, "pero sabe niya po schoolmate daw ninyu siya."
Napa kunot noo siya, "nagpakilala ba siya?"
"Opo young lady, Kaden daw po ang pangalan."
Lalong nagulat ang dalaga at agad na sinabeng, "papuntahin mo siya dito."
Nagkatinginan na naman ang mga kasam-bahay niya, "pero ang sabe ninyu bawal?" Pagtataka ng butler.
"Aw sinabe ko ba yun, ok nagbago na ang isip ko. Papuntahin ninyu siya dito, DALI!" Kumaripas ng takbo palabas ang lahat ng katulong na nasa loob ng silid niya at agad na tinawag si Kaden. Ilang minuto pang naghintay ang hinintay niya hanggang sa may kumatok. Napa buntong hininga ang dalaga at nagtataka kong bakit siya kailangan puntahan ng dalaga. "PASOK!" Nagbukas ang pinto at pumasok si Kaden na may dalang tray. "WOW! Hindi ko alam na may bago pala kaming butler." Sarkastikong saad ng dalaga habang papalapit si Kaden.
Nilapag ni Kaden ang tray sa side table na malapit sa kama ni Edriana. Katulad ng dati wala itong ka emo-emosyun kahit sa mata walang mabasa si Edriana. "Kumusta na?"
"Hindi ako ok," aniya ni Edriana.
"Alam ko."
"Bakit mo pa tinatanung?" Mataray na tanung ni Edriana.
"Kong ako sayu para gumaling ako, kakain ako."
"Edi ikaw ang kumain, mukhang may sakit ka rin eh."
Napa taas ang isang kilay ni Kaden, "anu?"
Sabay ngiti ni Edriana, "toh naman hindi mabiro, joke lang naman. Ginagaya lang kita napaka seryoso mo kase." Bumalik naman ang mukha ni Kaden sa pagiging seryoso. "Bakit ka ba na andito? Na miss mo ako noh?" Sabay taas-taas ng kilay ni Edriana. Lalong naging seryoso ang mukha ni Kaden na animoy ayaw niyang binibiro ng ganung bagay sa kanya. "Ok, hindi na. Bakit ka nga na andito?"
"Gusto ko lang malaman kong ayus ka lang pagkatapos ng nangyare kahapon."
Napa sulyap si Edriana sa pinto ng terrace niya at tumingin muli kay Kaden. "Ayus naman, ito may sakit---"
"Sorry."
"Naku wala---huh? Teka, bakit ka nag sorry? Wala ka namang ginawa ah."
Natahimik si Kaden bago muli nagsalita, "sorry kase wala nga akong nagawa."
Natigilan din si Edriana at pinag mamasdan ang mukha ni Kaden na bahagyang yumuko. "Ayus lang ako, hindi muna man kasalanan, diba nga sa una palang ako na yung may kasalanan."
Lumapit na si Kaden, umupo sa tabi ni Edriana at tinulungan maka sandal sa headboard ng kama. Bahagyang nagulat si Edriana ngunit hindi niya pina halata, makikita yun sa mukha niyang namumula na hindi naman pinansin ni Kaden. "Mag almusal kana," sabay kuha nang mangko na may sabaw.
"I---ikaw ba magpapakain sa akin?"
"Oo," seryosong sagot ni Kaden.
"Ikaw din ba magbabantay sa akin?"
"Bakit hindi?"
"WHAAAAA!" Tili ni Edriana at sa pagkakataon na yun napa ngiti si Kaden.
"Tumahimik ka nga," saway naman ni Kaden sa dalaga na agad naman itong sinunod ngunit hindi paren mawala ang ngiti ng binata na siya namang na pansin ng dalaga. Lalo na ang malalim nitong dimple at sinundot ng hintuturo ni Edriana.
Tumatawa pa si Edriana na nag salita, "ang lalim pala ng dimple mo, ang gwapo mong aswang ka."
Natigilan si Kaden at hindi na lang pinansin ang sinabe ng dalaga, "kumain kana lang." Sumunod naman ni Edriana at lahat ng dala ni Kaden ay inubos naman ng dalaga. Nang bumalik naman ang isang katulong para tignan ang dalawa, na mangha ito na ubos ng dalaga ang pagkain at agad na umalis. "Wala ka bang kasama dito sa bahay ninyu?"
"Mansyon," pag tama ni Edriana sa binata, "meron naman yung mga maid at butler."
"Hindi yun ang ibig kong sabihin, yung mga magulang mo o kaya kapatid?"
Hindi nag alangan na sumagot si Edriana, "wala dito si mama at papa, nasa malayu para magtrabaho, wala din akong kapatid, nag iisa akong anak." Sandali silang tumahimik, magkatabi sila sa iisang kama at parehong naka sandal ang mga likod sa headboard. "Ikaw naman magkwento?"
"Anu naman ikwento ko sayu?"
"Kahit anu?"
"May kakambal ako, Sidney ang panglan niya. Hindi kami nagkahawig kaya hindi nila alam kong kambal kami, magkaiba din ang pag uugali namin. Apat kaming magkakapatid, ang panganay si Eulexis at ang bunso naman si Lexi pina igsi lang sa pangalan niyang Marlexi." Hindi na niya namalayan na ang haba na pala ang naikwento niya, pati ang mga magulang niya, anung klaseng meron buhay sila sa Illustra, kong bakit nagkagulo doon at kong bakit siya na andoon ngayun. Maliban sa isang bagay na tungkol kay Camille, hindi man maintindihan ni Kaden kong bakit ilag siya sa bagay na yun. Pero halos lahat nasabe na niya at tahimik lang ang dalaga. "Kong may nalaman ako na sinabe mo sa iba na buhay pa kami, lagot ka sa akin."
"Ang ganda ng ending mo ah, kailangan ko na bang matakot sayu?"
"Depende sayu kong matatakot ka sa akin."
"Pero may tiwala ka?"
"Paanu mo naman nasabe?"
"Kase kiniwento mo lahat, ibig sabihin may tiwala ka sa akin. Ibig ba sabihin nun magkaibigan na tayu?"
"Nagkwento lang ako ng kailangan mo, hindi ko sinabeng may tiwala ako sayu at magkaibigan na tayu."
"Ok, sabe mo eh." Pero malakas ang kumpyansa ng dalaga na tama ang hinala niya. "Bakit mo inaagaw sa akin ang arrow?"
"Kase nga importante yun, kasama yun sa misyon ko dito. Yung arrow ka makapag sabe sa akin kong sinu ba yung lider na kailangan kong patayin. Pagkatapos nun lahat ng sumasamba sa pananakop din niya mamamatay kasabay niya."
"Nasa campus ba namin?"
"Hindi ko pa alam."
"Isang tanung na lang, umiibig ka na ba?"
Natahimik si Kaden sa tanung na yun, "hindi pa," pagsisinungaling nito.
"Talaga?"
"Oo."
"May gusto ka ba sa akin?" Nagulat si Kaden sa tanung na yun at agad napa sulyap sa mukha ni Edriana naka ngiti.
"Wala."
"Sigurado ka?" Sabay taas ni Kaden ng isang kilay. Dahan-dahan nilapit ni Edriana ang mukha niya sa binata, ngunit bago pa man mangyare ang iniisip ng dalaga agad na tumayo si Kaden at humalik si Edriana sa kama niya.
Agad na bumangon muli si Edriana at namumula ang pisngi niya sa mukha. "Aalis na ako."
"Bakla ka!"
Na hinto sa paglalakad si Kaden at humarap sa dalaga. "Hindi ako bakla."
"Talaga lang ah, bakit ka umalis?"
"Kase ayoko, wala akong gusto sayu."
"Bakit palagi kitang nasa tabi?"
"Nasa sayu lang yung palaso ko."
"Bakla ka lang kase."
"Hindi nga sabe ako bakla."
"Baklang aswang!"
"Alam mo Edriana, hindi ako tatablan ng mga pang aasar mong ganyan. Tapos anu hahalikan kita para lang masabeng hindi ako bakla, hindi yun sukatan. Kaya hindi ako bakla, para lang yun sa mga mortal na lalaking hindi nag iisip sa ginagawa nila."
Agad na tumalikod na si Kaden at nagmadali dahil kamuntik na siyang maakit sa dalaga. Pero iniisip niya na wala siyang gusto kay Edriana at hindi siya magkakagusto sa dalaga kahit na kailan. Mula sa loob na iwan naman na tulala si Edriana, "anu ba yan? Maganda naman ako? Panget ba ako sa paningin niya? O may mas maganda pa sa aking aswang sa kanila. Anu bang nangyayare sa akin?"