BLOOD 51
NASA mismong harapan na sila ng gate ng mansyon nang dalaga ngunit hindi niya ito pansin. Nanginginig ito sa lamig habang naka yakap sa binata sa likod lalo na't pareho silang basa dahil sa nangyare kanina sa kanila, idagdag pa na may kakaibang lamig sa katawan ang binata dahil hindi ito normal. "Andito na tayu," aniya ni Kaden.
Dahil naka yuko din si Edriana sa balikat ni Kaden hindi niya pansin kong na saan na nga ba sila, napaka bilis ng binata para makarating sa bahay nila ng ganun ka bilis. Inangkat ni Edriana ang ulo niya at nang makita niyang nasa harap na sila agad siyang bumaba habang patawa tawa. "Sorry, andito na pala tayu." Pero mababatid sa kanyang pagsasalita na nilalamig siya lalo na ang panginginig ng buong katawan.
"Pumasok kana sa loob ng bahay ninyu."
"Hindi yan bahay, mansyon yan."
"Pero uri yan ng bahay kaya bahay paren yan."
"Hindi---"
"Papasok ka ba o hindi? Ibabalik kita sa gubat at hayaan na lang kitang kainin nila."
Nagulat ang dalaga sa banta ng binata kaya agad siyang nag doorbell ngunit pagharap niya kong na saan ang binata wala na ito sa dating puwesto. Bumalik na lamang siya sa pagdoorbell hanggang sa pagbuksan siya ng tatlong guard sa bahay. Gulat na gulat ang mga ito nang makitang nangangatog sa lamig ang kanilang dalagang amo at yakap-yakap ang sarili. "Ma'am saan po kayu galing?" Hindi maka sagot ang dalaga dahil lalong lumalamig ang pakiramdam niya lalo na't basa paren siya at mahangin sa labas. Hanggang sa manghina at mawalan ng malay. Huli pa niyang narinig ang mga sigawan ng mga guard sa kanyang pangalan at agad siyang dinala sa kanyang silid. Agad naman na nagtawag ng doktor ang isang katulong para tignan ang dalaga.
SA di kalayuan nakita ni Kaden ang nangyare sa dalaga at bahagyang nag-alala sa kalagayan ni Edriana. Nagtatago siya sa puno na may layung apat na metro sa harap ng mansyon ng dalaga. Pinasok na ang dalaga at saka naman siya umalis para makapag ayus. Pagkatapos nun ay agad siyang bumalik sa mansyon ng dalaga, mula sa baba at sa mga bintana nakikita niya ang mga katulong na nagkakandarapa para lang maging ayus ang pakiramdam ng dalaga. Tumingala siya at nakikita niyang may ilaw sa silid ng dalaga at agad siyang lumundag para maabot ang terrace.
Sarado ang pinto ng terrace pati na rin ang kurtina ngunit dahil sa ilaw sa loob nakikita niya ang mga tao sa loob. May doktor at mga iilang katulong. Tumayo ang doktor mula sa pagkakaupo sa tabi ng nahihimbing na dalaga pagkatapos nitong tignan ang kalagayan. "Na saan na ang magulang ng dalaga?" Hindi maintindihan ni Kaden ngunit para siyang kinakabahan lalo sa kong anung pwedeng ibalita ng doktor. Pero kanina pa lang pansin na niyang may kakaiba kay Edriana kahit na napaka kulit nito.
Nagkatinginan ang dalawang katulong at hindi alam ang sasabihin. Ang ilan naman ay naka tungo lang at walang balak mag salita. Naglakas loob naman mag presenta ang isang katulong, "paumanhin po ngunit wala dito ang magulang niya at nagtrabaho sa malayung lugar. Kami lang po ang nakaka sama ng young lady."
Ngayun lang nalaman ni Kaden ang bagay na yun, napa isip siya na kaya pala hindi niya na papansin ang dalaga na kasama ang magulang nito o kapatid man lang. "Ang mga kapatid niya?"
"Nag iisa lang pong anak si young lady."
Tumango tango ang doktor na bahagyang matanda, "ganun ba, hindi ko alam kong saan galing at nagpunta ang young lady ninyu pero may hypothermia siya. Matinding pang lalamig sa katawan, kaya kong maari may ilang kumot na naka patong sa kanya para bumalik sa tamang temperatura ang katawan niya. Magiging ayus din siya, bigyan ninyu siya ng maiinit na sabaw pag na gising siya mas makaka inam yun."
"Maraming salamat po," aniya ng isang katulong na halos hindi paren mawala ang pag aalala lalo na't pagnalaman ng magulang ni Edriana ang nangyare sa kanya mapapasubo silang lahat. Nagyaya ang doktor na sa labas na lang pag usapan ang iba pang bagay. Bago pa man sila lumabas pinatay ang ilaw sa silid ng dalaga at tanging ilaw lang sa tabing lamesa ang meron.
Sandali pang naghintay si Kaden bago niya sinubukan buksan kong sakaling naka lock ang pinto ngunit na gulat siya ng hindi ito naka lock. 'Hindi ba siya natatakot at bakit hindi man lang sinasara ang pinto nitong sa terrace niya?' Tuluyan na siyang anak pasok at saka naman niya sinara.
Nilibot niya sa buong paligid ang tingin, may kalakihan ang silid ng dalaga at napaka luwa. May iilang unang nag kalat sa sahig at mga libro na patong-patong. Mula sa kanang parte ng silid na pansin niya ang isang bulletin board doon na kulay asul, kong anu-anu naka dikit na litrato, mga bagay katulad ng sticky note, maliit na stuff toys at kong anu-ano pa. Sa tabi ng bulletin board may lamesa at naka patong doon ang bag ng dalaga. Lumapit siya doon at binuksan ang bag. Doon niya nakita ang arrow na hinahanap niya at saka ito nilabas. Pinag masdan niya ito at saka binalik sa bag ng dalaga.
Napa sulyap siya kong na saan si Edriana at naka pikit ang mga mata. Lumapit siya doon ng dahan-dahan, umupo sa tabi ng dalaga at pinag masdan niya ng maigi ang mukha ni Edriana. Mula sa mata hanggang sa labi tama lang ang laki ng mga ito, pati ang kinis ng mukha nito, may tamang tangos ang ilong nito at may mahahabang pilit mata. Doon niya napag tanto na maganda ang dalaga, hindi na niya namalayan na naka hawak na pala ang isa niyang kamay sa kanang pisngi ni Edriana. Natauhan lang siya ng may maramdaman siyang kakaiba sa dibdib, napaka lakas na kabog, nilayu niya ang kanyang kamay at kanyang sarili.
Bago pa man siya makarating sa pinto ng terrace huminto siya sa paglalakad at sumulyap muli sa dalaga. "Magpagaling ka," sabe niya kahit na tulog ang dalaga at tuluyan nang lumabas sa terrace. Ayaw niyang umalis sa hindi niya malamang dahilan at piniling magbantay sa labas. Nakikita niya pa minsan-minsan ang pagpasok ng mga katulong para tignan ang dalaga ngunit tulog paren ang dalaga. Doon na din niya minabuting matulog sa labas ng terrace habang naka sandal ang likod sa railings.
Dumating ang umaga at dumadampi sa kanyang mukha ang sinag ng araw. Napa dilat siya ay napa ikda ng marinig ang isang ingay, katulad din niya ang buong tao sa mansyon ay nagsipuntahan sa silid ng dalaga. "ANG SAKIT NG ULO KO!" Napa sapo na lamang si Kaden sa kanyang mukha nang marinig ang sigaw ng dalaga.