Awaken 11

1410 Words
AWAKEN 11 NAG-UMPISA na silang kumain at tahimik lang sa kanyang puwesto si Camille. Paminsan minsa'y napa sulyap sa pamilyang ka harap sa hapag-kainan, hindi niya maiwasang maingit na naman at malungkot dahil sa kanyang nakikita. Alam niya nakaka hawa ang tawanan at ngiti ngunit bigla niyang maalala ang magulang niya nang mapa sulyap sa mag asawa. Tuwang tuwa at masayang nakikiag kwentuhan si Dylan at Eunice sa kanilang mga anak. 'Sana ganito din kami, pero hindi naman ito mangyayare.' Sabe ng kanyang isip, hindi pa niya naranasan na kumain ng sabay kasama ang pamilya niya. Madalas pa niyang nakikitang nag aaway ang mga magulang niya dahil sa pagtatalo sa perang na uuwi sa bahay. Ka sabay ng paghihirap nila sa buhay, mas hirap na hirap ang dalaga sa nangyayare at nakikita niya sa pamilya niya. Gusto din niya makapag pahinga kahit sandali pero sa tuwing makikita niya ang buhay na meron sila, palagi niyang iniisip na wala pa siya sa pangarap niyang magiging ayus ang buhay niya dahil napaka layu pa nito para maabot niya. Tinuon na lamang niya ang pagkain at kumain na lamang hanggang sa mabusog siya sa gabeng yun. Sunod naman niyang kinuha ang isang hati ng strawberry cake at nilagay sa plato niya. Kahit ganun ang pagkaing nasa harap niya, hindi niya maiwasang hindi masarapan sa mga ito, maliban sa hindi niya pagkain ng hilaw dahil hindi niya talaga gusto ang hilaw na pagkain. Sariwang gulay at mga matatamis na pagkain ang kinain niya. Ninanamnam niya ang pagkaing nasa bibig niya at hinayaan na matunaw ito ng dahan-dahan. "Ang sarap nito," bulong niya sabay subo uli ng sunod-sunod. Na pansin naman siya ni Eunice at hindi maiwasang mag alala sa dalaga. "Ayus ka lang ba, Camille?" Bahagyang na gulat si Camille, tinakpan ang bibig at nagmadaling inubos ang laman nito bago mag salita. Pero hindi niya alam na may icing sa gilid ng bibig niya kaya bahagyang napa ngiti si Eunice sa kanya. Ang lahat na naman ng mata ay nasa dalaga at pinagmamasdan kong anung meron kong bakit ito pinansin ni Eunice. "Po?" "Kumusta ang pagkain?" "Ayus naman po, sobrang sarap nga po at saka ngayun lang ako naka tikim ng cake." Pag amin ng dalaga, nahihiya siya sa pwedeng sabihin ng mga ka harap niya. "What? Ngayun ka lang nakakain ng cake, I thought you are from White Clan?" Pagtataka ni Lexi. Hindi alam ng dalaga kong anung sasabihin niya at hindi niya alam kong bakit kase yun ang pakilala sa kanya ng mga ito sa iba pang taga roon. "Baka naman kase iba ang kinakain nilang matamis sa bahay nila," biglang pagdadahilan ni Eulexis. 'Ito na naman po tayu,' sabe ni Camille sa kanyang isipan. Wala nang nag tanung sa kanya at bumalik na sila sa kanyang silid nang maihatid siya ni Eulexis. "Salamat," sabay sarado ng pinto ng silid niya. Sandaling natigilan ang binata sa harap ng pinto at nag tagal pa siya doon bago tuluyang pumunta sa kanya ding silid.   NANG maka balik si Eulexis sa kanyang silid ay agad siyang nag bihis ng damit at humilata sa kama. Kahit papaanu naka luwag siya ng kaunti dahil alam na ng buong pamilya niya ang nagawa niya maliban ang buong taga Illustra. Nagtataka din siya sa inasta kanina ng kapatid niyang si Kaden at biglang mapag takpan para kay Camille. Iniisip niya tuloy na may dahilan ang kanyang kapatid kaya niya yun na gagawa pero hindi dahil sa pag tulong kong di may mas malalim pang bagay. Pero sa tuwing iisipan niya ng malalim ang mga bagay lalo lang sumasakit ang ulo niya kaya hinayaan na lamang niya ang bagay na yun. "Anu na kaya ginagawa niya?" Bigla naman sumagi sa isipan ni Eulexis ang dalaga lalo na habang kumakain sila hanggang sa matapo ay pinag mamasdan niya ito. Bahagyang malungkot ang mata ng dalaga kahit na naka ngiti, "hindi kaya may problema siya o kaya na iinis paren siya sa akin." Napa balikwas siya ng bangon para umupo at ginulo gulo ang buhok. "Ang sakit mo sa ulo," agad na lumabas ng terrace si Eulexis dahil magkatabi lang ang silid nila ng dalaga. Pero napa sulyap ang dalagang nasa terrace din nang maka lapas siya, bahagyang na gulat sang binata ngunit hindi niya pina halata. Papasok na sana ang dalaga at naka suot na ng pang tulog na damit. "Hoy teka lang naman ah---," hindi niya naituloy ang sasabihin nang biglang humarap si Camille sa kanya. "Anung kailangan mo?" Walang nakikitang galit o inis sa mukha ni Camille. "Ah---" gustong tawagin ni Eulexis ang pangalan dahil baka magkamali na naman siya. "Anu kase, musta na?" "Nakita muna ako kanina, alam ko at alam mo na ayus lang ako." Babalik na si Camille sa loob para makapag pahinga. "Pero hindi ka naman talaga ok," huminto muli si Camille at humarap kay Eulexis. Nakikita nila ang mukha ng isa't isa dahil sa liwanag na nang gagaling sa buwan. May layung isang metro ang layu ng kanilang terrace sa kwarto. "Gusto kong mag sorry sa na gawa ko sayu, alam ko na gugulat ka paren sa nangyayare pero hindi ko talaga sinasadya." "Wala naman na akong magagawa kase nangyare na." "C---" "Camille," pag ngunguna ng dalaga na baka iba na namang pangalan ang masabe nito. "Camille," hindi maiwasang hindi mapansin ng dalaga ang mga mata ng binata na paiba iba sa tatlong kulay ang mata nito. "Pwede kang mag kwento, gusto mo." Isa sa mga bagay ang hindi gustong gawin ni Camille ang mag kwento lalo na kong tungkol sa buhay niya pero hindi na niyang itago pa ang mga problema niya. "Ang saya siguro sa buhay at tumira sa mansyon na napaka laki. Alam mo yun, pinangarap ko rin ito na para bang prinsesa akong naka tira sa malaking bahay na nay perpektong pamumuhay." "Pero wala namang perpektong buhay sa lahat ng nilalang na nakatira dito sa mundo. Masaya nga pero hindi naman masayang maging aswang," wika ni Eulexis at pagkakataon na gulat siya sa pagiging seryoso na madalas na hindi niya na gagawa. "Ang hirap maging aswang at lumayo sa katulad mong normal, iniisip ko din kong paanu maging tao katulad mo. Buti pa si mama naging tao bago nalaman ang tunay niyang katauhan." Hindi na gulat pa ang dalaga sa kwentong yun dahil na unang ikwento ni Eunice sa kanya ang bagay na yun. "Pero sabe ni mama mas malala pa daw ang normal na tao kesa sa amin, bigla kana lang papatayin ng walang dahilan sa kalye kaya maraming issue sa mundo ninyu." Bahagyang napa ngiti si Camille na kina mangha ni Eulexis. "Tama ang mama mo, mukhang ayus naman ang mundo ninyu yun nga lang komplikado lang intindihin akala ko myths lang ang mga bagay na ito at ang katulad ninyu. Pero ka harap ko ang isa sa kanila at nakikipag usap pa." Sandali silang natahimik ang dalawa saka muli nag salita ang dalaga, "na iingit paren ako sa inyu, hindi naman kase ganito ang buhay na meron ako." Nag iinit ang mata ni Camille at namamasa masa dahil aa emosyun na bumabalot sa kanya, "ang hirap mag trabaho at hindi makapag aral. Gusto kong makapag aral para makuha ko ang gusto ko, pero mas kailangan ko pang magtrabaho, hindi ko alam." Napa ngiti ng mapait si Camille at hinayaan na tumulo ang luha sa mukha. Hindi gustong may nakikitang umiiyak na babae si Eulexis kaya kahit kailanman hindi niya pina iyak ang kapatid niyang si Lexi. Pero takang taka siya sa sobrang pag aalala sa dalagang ka harap niya. Masyado siyang apektado sa dalaga sa kahit na anung ipakitang emosyun nito sa kanya. "Na iingit ako," pa tuloy ni Camille, "puro akong na uubusan ng oras, hindi ko na mgagawa ang mga bagay na gusto kong gawin." Kusang gumalaw ang mga paa ng binata na hindi niya namamalayan at lumundag sa terrace kong na saan si Camille. Napa atras ang dalaga at natigilan sa pag iyak nang bigla siyanh yakapin ni Eulexis. Naririnig ng dalaga ang bilis ng t***k nung puso ng binata. "Hindi mo naman kailangan maingit ah, anung klase ka at na iingit ka sa amin." "Huh?" Hindi na alam ni Camille kong mag sasalita pa ba siya, ni hindi niya maitulak ang binata at nabato ang sa kinatatayuan niya. "Hindi ko man alam ang buo mong pagkatao at buhay. Sinasabe ko sayu habang na andito ka magiging prinsesa ka katulad ng gusto mo, Camille."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD